Iskedyul para sa Oktubre–Disyembre 2018
Sa 2018, ang mga miting tuwing Linggo ng elders quorum at Relief Society ay batay sa buwanang iskedyul na ito:
-
Unang Linggo: Magsanggunian tungkol sa mga lokal na responsibilidad, oportunidad, at hamon, at gumawa ng mga plano upang kumilos
-
Mga Ikalawa at Ikatlong Linggo: Pag-aralan ang mga mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya na pinili ng mga miyembro ng panguluhan, o kung minsan, ng bishop o stake president.
-
Ikaapat na Linggo: Talakayin ang isang piling paksa na pinili ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Mula Oktubre hanggang Disyembre 2018, ang paksa ay personal at pampamilyang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
-
Ikalimang Linggo: Sa ilalim ng pamamahala ng bishop.