Pagbatimula saMadagascar!
Kumusta, kami sina Margo at Paolo.
Naglalakbay kami sa iba’t ibang panig ng mundo para matuto tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan kami sa pagbisita namin sa Madagascar!
Ang Madagascar ay isang isla sa silangang baybayin ng Aprika. Maraming halaman at hayop dito na hindi matatagpuan sa ibang panig ng mundo—tulad ng ring-tailed lemur na ito!
Tumutulong ang mga batang lalaki na ito na magbuhat ng mga sisidlan ng tubig para sa kanilang mga pamilya. Paano ka tumutulong sa iyong pamilya?
Maliit ang Simbahan sa Madagascar, ngunit lumalago ito! Sa ngayon, may 14 na ward at 26 na branch doon.
Mas maraming uri ng hunyango na naninirahan sa Madagascar kaysa sa ibang panig ng mundo!
Ang malalaking puno na ito ng baobab ay nakapag-iimbak ng maraming tubig sa katawan nito—hanggang 120,000 litro!
Maraming tao sa Madagascar na kumakain ng kanin dalawa o tatlong beses sa isang araw, kung minsan ay may kasamang gulay, beans, o karne.
Ang salitang Malagasy para sa “kaibigan” ay namana. Kung may makikilala kang bagong kaibigan sa Madagascar, ano ang sasabihin mo sa kanya?
Kilalanin ang ilan sa aming mga kaibigan mula sa Madagascar!
Alam ko na si Jesucristo ang ating Tagapagligtas.
Nathan, edad 7, Antananarivo Province, Madagascar
Si Russell M. Nelson ay isang propeta ng Diyos.
Nomena, edad 6, Antananarivo Province, Madagascar
Taga-Madagascar ka ba?Sulatan mo kami! Gusto naming makarinig mula sa iyo.
Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Madagascar. Hanggang sa muli!