Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Paano natin mararanasan ang nagpapagaling na kapangyarihan ni Cristo?
(Setyembre 28–Oktubre 11)
Sa ministeryo ni Jesucristo sa mga Nephita, ipinakita Niya ang Kanyang matinding pagmamahal at nagpapagaling na kapangyarihan sa lahat ng taong lumapit sa Kanya. Ano ang matututuhan natin mula sa karanasan ng mga Nephita sa Tagapagligtas?
Mga pagsubok ng mga Nephita
Ang mga dekada bago ang pagdating ni Jesus ay puno ng pagsubok. Tiniis ng mga Nephita ang:
-
Kaguluhan ng mga tao (tingnan sa 3 Nephi 7:1–4).
-
Kasamaan at mga karumal-dumal na gawain (tingnan sa 3 Nephi 2:3, 7:7).
-
Pagkilala sa pamamagitan ng katayuan sa buhay (tingnan sa 3 Nephi 6:10–14).
-
Pag-uusig sa relihiyon (tingnan sa 3 Nephi 1:9).
-
Digmaan (tingnan sa 3 Nephi 2:17).
-
Mga kalamidad na dulot ng kalikasan sa loob ng tatlong araw ng kadiliman (tingnan sa 3 Nephi 8).
Ang Ministeryo ni Cristo sa mga Nephita
Nang magpakita ang Tagapagligtas sa mga Nephita, inanyayahan Niya ang lahat ng taong “nahihirapan sa anumang dahilan” (3 Nephi 17:7) na lumapit at mapagaling. Hindi lang sa mga kasalukuyang pagsubok ng mga Nephita angkop ang Kanyang paanyaya. Angkop din ito sa mga pisikal at pangkaisipan o emosyonal na sugat na maaaring buong buhay tiniis ng mga Nephita. Pinagaling ni Jesucristo ang “bawat isa” (3 Nephi 17:9) at nag-minister Siya sa kanila nang “isa-isa” (3 Nephi 17:21).