Pagbabahagi ng Ebanghelyo
“[Mag-aral] kayo sa akin … at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa” (Mateo 11:29).
Binigyan ako ng isang lalaking pinagtrabahuhan ko ng isang kopya ng Aklat ni Mormon. Ngunit hindi ko iyon binasa sa loob ng halos dalawang taon. Isang araw ng Linggo, dinampot ko ang Aklat ni Mormon at nagpunta ako sa isang istasyon ng tren sa labas ng bayan kung saan ako nakatira sa Zimbabwe. Umupo ako at nagsimulang magbasa.
Noong una, mahirap iyong unawain. Ngunit paulit-ulit kong binasa ang patotoo ni Joseph Smith. Naantig ng kanyang mga salita ang aking puso.
Kalaunan, may nag-anyaya sa akin na magsimba. Noong una, hindi ako komportable, kaya umupo ako sa upuan sa likuran. Ngunit nang magsimulang magbahagi ang mga tao ng kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo at sa Aklat ni Mormon, gumanda ang pakiramdam ko.
Hindi nagtagal pagkatapos nito, nagpunta ang mga missionary sa aking lugar. Kalaunan ay nabinyagan ako. Pagkaraan ng ilang taon, nagkaroon ako ng marangal na pagkakataong magmisyon at magbahagi ng ebanghelyo sa maraming tao.
Lumago nang husto ang Simbahan sa Zimbabwe. Ngunit marami pa tayong magagawa para maibahagi ang ebanghelyo, saanman tayo nakatira. Sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at home evening, maaari mong palaguin ang iyong patotoo at maaari kang manatiling malapit sa Ama sa Langit. Mapagpapala ng iyong patotoo ang buhay ng maraming tao sa buong mundo.