Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Ano ang ibig sabihin ng tunay na magbalik-loob?
Matapos ang pagpapakita ng Tagapagligtas sa mga Nephita, nakaranas sila ng halos 200 taon ng pagkakaisa at kapayapaan dahil sila ay “nagbalik-loob na lahat sa Panginoon” (4 Nephi 1:2).
Kaligayahan at Pagkakaisa
Ang mga Nephita ay naging maligaya at nagkakaisa sa pamamagitan ng kanilang mabubuting gawa (tingnan sa 4 Nephi 1:2–15).
-
Sila ay naging patas at mabait sa isa’t isa.
-
Sinunod nila ang mga kautusan ni Cristo.
-
Sila ay naging mapagkumbaba sa pag-aayuno at panalangin.
Ano ang ilan sa iba pang halimbawa ng mabubuting gawa ng mga Nephita? Maaari mong basahin ang 4 Nephi 1:2–15 at punan ang mga patlang ng iba pang halimbawang makikita mo:
-
_______________________________________________________________