Pagsasabi ng Hindi, Pakikinig sa Hindi
Mahal tayo ng Ama sa Langit at nais Niyang maging ligtas tayo! Ang pagsasabi ng hindi kapag kailangan natin at ang paggalang sa iba kapag nagsasabi sila ng hindi sa atin ay mga paraan para mapanatili nating ligtas ang ating mga sarili at ang ibang tao.
Kung minsan, kailangan mong magsabi ng hindi sa mahinahon na paraan.
“Hindi po, salamat na lang po. Puwede po bang tubig na lang?”
Ngayon, ikaw naman! Isipin na kunwari ay kailangan mong magsabi ng hindi sa mahinahon na paraan. Paano mo iyon sasabihin?
Kung minsan, kailangan mong magsabi ng hindi sa mas madiin na paraan.
“Ayaw kong makita iyan! Hindi natin dapat tingnan iyan.”
Ngayon, ikaw naman! Isipin na kunwari ay kailangan mong magsabi ng hindi sa mas madiin na paraan. Paano mo iyon sasabihin?
Kung minsan, ang mga tao ay nagsasabi ng hindi sa atin para tulungan tayong manatiling ligtas at malusog.
“Pasensya na, hindi ka puwedeng umalis. Delikado.”
Ngayon, ikaw naman! Isipin na kunwari ay nagsabi ng hindi sa iyo ang isang adult at hindi mo iyon nagustuhan. Ano ang dapat mong gawin?
Kung minsan, ang mga tao ay nagsasabi ng hindi sa atin kapag hindi sila komportable.
“Tama na! Hindi ko gusto ang larong ito.”
Ngayon, ikaw naman! Isipin na kunwari ay pinatigil ka ng isang tao sa paggawa ng isang bagay. Ano ang dapat mong gawin?
Paano kung hindi nakikinig ang mga tao kapag nagsasabi ka ng hindi? Paano kung saktan ka nila o may gawin silang masama sa iyo?
-
Lumayo ka kung kaya mo.
-
Ikuwento ang nangyari sa isang adult na pinagkakatiwalaan mo.
-
Tandaan na hindi mo kasalanan iyon.
-
Anuman ang mangyari, dapat malaman mo na palagi kang mahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo!