2020
Ako at Ang Sakramento
Oktubre 2020


Mula sa Unang Panguluhan

Ako at Ang Sakramento

Hango mula sa “Ang Sakrament Miting at ang Sakrament” Liahona, Nob. 2008, 17–20.

The Sacrament and Me

Ang sakramento ang pinakamahalagang bahagi ng sacrament meeting. Kapag nakikibahagi tayo sa sakramento, nangangako tayo na palaging aalalahanin ang Tagapagligtas. Para maging espesyal ang sakramento, tayo ay

  • Nagbibihis nang maayos para maigalang ang sakramento.

  • Umuupo nang tahimik bago magsimula ang miting.

  • Kumakanta ng himno sa sakramento.

  • Nag-iisip tungkol kay Jesus at nangangakong palagi Siyang aalalahanin.

Tinutulungan tayo ng sakramento na maramdaman ang Espiritu Santo. Tinutulungan tayo nitong gawin ang mga bagay na kailangan nating gawin para makabalik sa ating tahanan sa langit.

Pagpapakita ng Pagmamahal para kay Jesus

Maipapakita natin ang ating pagmamahal para kay Jesus sa pamamagitan ng pagiging mapitagan sa oras ng sakramento. Ano ang ginagawa mo sa oras ng sakramento?

  • Umuupo nang tahimik.

  • Nag-iisip tungkol sa paborito kong himno sa sakramento.

  • Nag-iisip tungkol sa isang kuwento tungkol kay Jesus.

  • Nananalangin sa Ama sa Langit.