Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paglilingkod sa Ating Kapwa mga Manlalakbay
Hulyo 19–25
“Tulungan ang mahihina, itaas ang mga kamay na nakababa, at palakasin ang tuhod na mahihina” (Doktrina at mga Tipan 81:5).
Pangulong Thomas S. Monson: Isang Halimbawa ng Paglilingkod
Edad nang tawagin bilang bishop: 22
Bilang ng mga miyembro ng ward: mahigit 1,000
Bilang ng mga balo sa kanyang ward: 85
Ibinahagi ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano nagmalasakit si Bishop Monson sa mga balo: “Maaaring alam ng marami na ginugugol ng batang si Bishop Monson ang isang linggo ng kanyang personal na bakasyon tuwing Kapaskuhan para bisitahin ang lahat ng walumpu’t limang balo sa kanyang ward. Maaaring hindi alam ng marami na sa unang ilang taon ang regalong dinadala niya sa kanila ay isa sa mga … inahin na inalagaan at nilinis at inihanda niya sa kanyang sariling manukan.”1
Ginunita ni Bishop Monson kung paano niya tinulungan ang matandang mag-asawa na ang bahay ay kailangang pinturahan: “Sa sandali ng inspirasyon tinawag ko, hindi ang elders quorum o mga boluntaryo para magpintura, kundi, na sinusunod ang hanbuk para sa gawaing pangkapakanan, ang mga miyembro ng pamilya [ng matandang mag-asawa] na nakatira sa ibang lugar. Apat na manugang na lalaki at apat na anak na babae ang nagpintura at nakibahagi sa proyekto.”2 Ang inspirasyong ito ay nakatulong sa pamilya na muling magkaugnayan at mas pagmalasakitan ang isa’t isa.
“Hindi natin makakayang mahalin nang tunay ang Diyos kung hindi natin mahal ang ating kapwa mga manlalakbay sa mortal na buhay na ito.”3 —Pangulong Thomas S. Monson