2021
Pagdaig sa Oposisyon
Hulyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Pagdaig sa Oposisyon

Doktrina at mga Tipan 71–75

Hunyo 28–Hulyo 4

people gathered on a street corner with Church leader and missionaries

Paglalarawan ni Dan Burr

Ang paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 71 ay nagsasabi kina Joseph Smith at Sidney Rigdon na humayo at mangaral para maibsan ang hindi magandang saloobin na lumaganap laban sa Simbahan dahil sa pamimintas ng mga miyembrong nawalan ng pananampalataya. Makalipas ang 100 taon, gayon din ang naranasan ni Elder Spencer W. Kimball ng Korum ng Labindalawang Apostol na nangaral para ipagtanggol ang Simbahan.

Ang Pagbisita ni Elder Kimball sa Ecuador

Sa pagbisita sa Otavalo, Ecuador, noong 1965, sinabi ni Elder Kimball sa mga missionary na ipakilala ang Aklat ni Mormon sa mga katutubong taga-Otavalo. Gayunman, nakaranas ang mga missionary ng oposisyon nang magsimulang magpalaganap ng mga kasinungalingan ang mga taga-Otavalo tungkol sa kanila sa mga kalapit na nayon, at nahirapan ang mga missionary na paglabanan ang mga kasinungalingan.

Pagkaraan ng dalawang taon, sumama si Elder Kimball sa ilang miyembro at missionary sa isang pulong malapit sa sakayan ng bus. Nang nakababa na sa mga bus ang mga lokal na residente, inaanyayahan sila ng mga missionary na makinig sa buhay na Apostol ni Jesucristo. Di-nagtagal, mga 20 katao ang natipon. Nang simulan ng mga missionary ang kanilang pulong, dumami ang mga tao sa mahigit 100.

Pagkatapos ay nagsalita si Elder Kimball. Ikinuwento niya ang tungkol sa pagdating ni Jesucristo sa mga lupain ng Amerika. Itinuro niya ang kalangitan at nangusap tungkol sa marahan at banayad na tinig mula sa kalangitan na nagpahayag ng pagpapakita ng Anak ng Diyos, na matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Paggunita ni Elder Kimball, “Lahat ng mata ay sumunod sa pagturo ko sa langit na para bang ang Tagapagligtas ay talagang naroon na dumaraan sa maninipis na ulap.”1

Pagkatapos nito, patuloy na nagsikap ang mga missionary na magturo sa mga taga-Otavalo. Nagturo ang mga sister missionary sa isang lalaking nagngangalang Rafael Tabango, na nabinyagan noong Hulyo 14, 1968—ang unang katutubong taga-Otavalo na Banal sa mga Huling Araw. Ang asawa niyang si Teresa ay sumapi rin sa Simbahan. Wala pang 15 taon ang lumipas, isang stake ang inorganisa sa Otavalo, at natawag si Brother Tabango bilang unang patriarch nito.

article on overcoming opposition

Tala

  1. Spencer W. Kimball journal, Mayo 29, 1967, sinipi sa “Preaching in Peguche,” history.ChurchofJesusChrist.org/GlobalHistories.