2022
Mga Simula at ang Lumang Tipan
Enero 2022


Welcome sa Isyung Ito

Mga Simula at ang Lumang Tipan

Larawan
Jesus Christ with stars in background

Christ and the Creation [Si Cristo at ang Paglikha], ni Robert T. Barrett

Ito ang pagsisimula ng isang bagong taon, na tila angkop na angkop na panahon para pag-isipan ang mga simula.

Sa taong ito, ililibot tayo ng Lumang Tipan at Mahalagang Perlas sa ilan sa pinakamahahalaga at mga pambihirang simula na alam ng sangkatauhan.

Mas makikilala natin si Jesucristo, na kasama ng Ama “noong simula” (Abraham 4:1). Mababasa natin ang tungkol sa Paglikha ng mundo at ang simula ng mortal na buhay. Matututo tayo tungkol sa mga simula ng pagsisisi, mga pamilya, mga kautusan, at pagsamba sa templo rito sa lupa. Mapag-aaralan natin ang simula ng mga sagradong tipan na patuloy na humuhubog sa ating buhay ngayon.

At kung hindi pa natin mahal ang Lumang Tipan, ngayon ay maaaring markahan ang simula ng isang bagong panahon ng pag-aaral at paglalakbay. Sa pahina 12, nagbahagi ako ng ilang katotohanang nakatulong sa akin na mas masabik tungkol sa aklat na ito ng banal na kasulatan at tingnan ang mga turo nito nang may bagong lakas at layunin. Sa pahina 42, tinukoy ni Pangulong Mark L. Pace, Sunday School General President, ang mga makapangyarihang pagpapalang matatanggap natin kung handa tayong magbasa “nang matapat at may panalangin.”

Higit sa lahat, tandaan natin na ang habambuhay na mga bagong simula ay posible dahil kay Jesucristo. Sa artikulo ni Elder Quentin L. Cook sa pahina 6, nagpatotoo siya na “lahat ay hindi kailanman nawawala” dahil mapagmahal tayong hinihintay ng ating Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, naipagpapatuloy natin ang espirituwal na paglalakbay na sinimulan ng ating mga sinaunang ninuno maraming taon na ang nakalipas.

Sana’y puno ng magagandang simula ang taon na ito para sa bawat isa sa atin!

Marissa Widdison

Assistant na Namamahalang Patnugot, Gospel Living app

Larawan
view of the earth from space

“Ako ang Simula at ang Katapusan, ang Pinakamakapangyarihang Diyos; sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak ay nilalang ko ang mga bagay na ito; oo, sa simula aking nilalang ang langit, at ang lupa kung saan ka nakatayo.”

LARAWAN MULA SA ADOBE STOCK

Print