2022
Paano Ka Namin Matutulungan?
Enero 2022


Paglilingkod sa Simbahan

Paano Ka Namin Matutulungan?

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Noong bata pa akong missionary, itinuturing ko ang paglilingkod bilang isang bagay na iniiskedyul sa halip na isang bagay na ibinibigay kung kailangan.

Larawan
a woman washing dishes while two missionaries talk to her through an open window

Paglalarawan ni Kathleen Peterson

Habang naghahandang magturo ng lesson sa family home evening, gusto kong bigyan ang aking mga anak ng ilang ideya tungkol sa araw-araw na mga hirap at hamon ng gawaing misyonero. Nang buksan ko ang aking missionary journal para maghanap ng angkop na halimbawa, nakakita ako ng buod tungkol sa isang napaka-ordinaryong araw.

Una, pinuntahan namin ng kompanyon ko si Maria, na naglalaba noon ng mga damit. “Puwede ba kayong bumalik mamaya?” tanong niya.

Nagpunta kami sa isa pang investigator, pero natutulog ang investigator. Nang bumalik kami sa bahay ni Maria nang alas-11:30 n.u., naglalaba pa rin siya.

Kalaunan, nang alas-3:00 n.h., may appointment kami sa isa pang investigator. Pagdating namin doon, gumagawa siya ng grasa.

“Talagang abala ako ngayon,” sabi niya sa amin. “Puwede ba kayong bumalik mamaya?”

Bumalik kami sa bahay ni Maria, pero naghuhugas naman siya ng mga pinggan. Pagkatapos ay binisita namin ang isa pang investigator na nagngangalang Junior. Abala siya sa pagluluto.

“Pwede bang bukas na lang?” tanong niya sa amin.

Isinulat ko sa aking journal: “Sinisikap naming magplanong mabuti, ginagawa namin ang lahat para mapuntahan ang aming mga appointment, at gumagawa ng plan B at plan C. Nananalangin kami na mabigyan ng inspirasyon. Kailangang may mas praktikal na paraan para matulungan ang mga tao.”

Habang muli kong binabasa ang mga karanasang iyon at pinagnilayan ito, napatawa ako. Ang aral na nais kong ituro sa aking mga anak tungkol sa pagkakaroon ng katatagan na harapin ang kabiguan ay tila hindi na gaanong mahalaga ngayon kumpara sa aral na naituro sa akin sa sandaling iyon.

Ang may pagkadismayang pagsamo ko 30 taon na ang nakalipas ay tila nakakatawa na sa akin ngayon. Ang sagot sa pagkadismaya ko ay naroon mismo sa aking pagsamo. Naiisip ang mas bata kong sarili, pinagnilayan ko, “Elder Jackson, ano kaya ang nangyari kung sinubukan mong tulungan ang mga tao sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa oras ng kanilang pangangailangan?”

Ngayon, kung nakita namin ng kompanyon ko si Maria na maraming nilalabhan at hinuhugasan, sasabihin naming, “Paano ka namin matutulungan?”

Ngayon, kung abala sa paggawa ng grasa ang lalaking nakaiskedyul naming bisitahin, sasabihin namin, “Puwede mo ba kaming turuan? Gusto naming tulungan ka!”

Ngayon, kung nakita namin si Junior na abala sa pagluluto ng pagkain, sasabihin naming, “Tutulungan ka namin! Ano ang gusto mong gawin namin?”

Noong bata pa akong missionary, itinuturing ko ang paglilingkod bilang isang bagay na iniiskedyul sa halip na isang bagay na ibinibigay kung kailangan. Ngayon sinisikap kong ituro sa mga tao ang tungkol sa pagmamahal ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng Kanyang pagmamahal.

Print