Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Sino si Enoc?
Mga paglalarawan ni Denis Freitas
Ipinakikita ng family tree na ito ang dalawang lalaking nagngangalang Enoc sa linya nina Adan at Eva. Ang anak ni Cain na si Enoc, ang apo ni Adan (tingnan sa Moises 5), ay iba sa anak ni Jared na si Enoc, na anim na henerasyon mula kay Adan at nagtayo ng lunsod ng Sion (tingnan sa Moises 6–7).
Paano tumugon si propetang Enoc sa kanyang tungkulin?
Nang tawagin si Enoc upang mangaral tungkol sa pagsisisi nakadama siya ng kakulangan, nagpapahayag sa Panginoon na siya ay “mabagal … sa pagsasalita” (Moises 6:31). Ngunit binigyan ng Diyos ng kapangyarihan si Enoc at nangakong, “Ibuka mo ang iyong bibig, at ito ay mapupuno, at akin kitang bibigyan ng sasabihin” (Moises 6:32). Marami ang naniwala sa kanyang mga salita, at itinatag ni Enoc ang lunsod ng Sion.
Sa paggunita sa halimbawa ni Enoc, nagbigay-katiyakan si Elder David A. Bednar sa atin na nakadarama ng pagkabalisa, kawalang-kakayahan, o pagiging di-karapat-dapat sa bagong tungkulin o responsibilidad na “naaakma [rin] ang pangako ng Panginoon kay Enoc … ngayon” (“Sa Lakas ng Panginoon,” pangkalahatang kumperensya, Okt. 2004).