Liahona
Ano ang Dahilan Kung Bakit “Napakahalaga” ng mga Banal na Kasulatan?
Enero 2024


“Bakit ‘Napakahalaga’ ng mga Banal na Kasulatan?,” Liahona, Ene. 2024.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

1 Nephi 3–5

Ano ang Dahilan Kung Bakit “Napakahalaga” ng mga Banal na Kasulatan?

Larawan
mga laminang tanso at mga makabagong aklat ng banal na kasulatan

“Napakahalaga” ng mga banal na kasulatan (1 Nephi 5:21) sa pamilya ni Lehi. Napakahalaga ng mga ito kaya inutusan ng Panginoon ang mga anak ni Lehi na maglakbay pabalik sa Jerusalem para kunin ang mga laminang tanso (tingnan sa 1 Nephi 3:2–5), isang gawain kung saan itinaya nila ang kanilang buhay. Ang mga banal na kasulatan (lalo na ang Aklat ni Mormon) ay gayon din kahalaga para sa atin ngayon. Naisip mo na ba kamakailan kung bakit?

Ano ang ibinigay ng mga laminang tanso sa pamilya ni Lehi?

Ano ang ibinibigay sa atin ng Aklat ni Mormon ngayon?

Ang mga salita ng mga propeta (1 Nephi 3:20)

Isang pundasyon para sa patotoo tungkol kay Joseph Smith, sa Pagpapanumbalik, at sa mga buhay na propeta (pambungad sa Aklat ni Mormon)

Isang salaysay tungkol sa Paglikha at kina Adan at Eva (1 Nephi 5:11)

Paglilinaw sa doktrina tungkol sa plano ng kaligtasan (2 Nephi 2; Alma 12; 34)

Ang batas ni Moises (1 Nephi 4:15–16) at iba pang mga kautusan (1 Nephi 5:21)

Ang doktrina ni Cristo at iba pang mga kautusan (2 Nephi 31; 3 Nephi 11; 27)

Isang talaan ng mga Judio at ang kanilang patotoo tungkol kay Cristo (1 Nephi 5:12)

Mga karagdagang saksi ni Cristo mula sa Kanyang “ibang mga tupa” (3 Nephi 15:21–24)

Isang talaan na nag-ingat ng wika ng kanilang mga ama (1 Nephi 3:19) at ng kanilang angkan (1 Nephi 5:14)

Isang talaan na maaaring makatulong sa atin na tipunin ang nakalat na Israel (3 Nephi 21:6–7)

Print