“Sa Panginoon ba Ako Unang Lumalapit?,” Liahona, Ene. 2024.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Sa Panginoon ba Ako Unang Lumalapit?
Alam natin mula sa 1 Nephi 2:16 na nang maharap si Nephi sa kawalang-katiyakan, bumaling siya sa Panginoon at pinalambot ng Panginoon ang kanyang puso. Sa kabilang dako, nang maharap sina Laman at Lemuel sa kawalang-katiyakan, nakipagtalo sila sa isa’t isa at umasa sa kapatid nilang si Nephi para sa mga sagot sa halip na umasa sa Panginoon (tingnan sa 1 Nephi 15:8–9).
Ipinakita nina Laman at Lemuel ang isang huwaran ng maaaring mangyari kapag umasa lamang tayo sa iba para sa katotohanan sa halip na lumapit sa Panginoon. Si Nephi ay naging malakas sa espirituwal at nanatiling tapat sa Diyos sa buong buhay niya, samantalang kalaunan ay tinalikdan nina Laman at Lemuel ang mga turo ng kanilang ama tungkol sa Panginoon. Bagama’t isang mapagkakatiwalaang disipulo si Nephi, alam din niya na hindi siya makakapalit sa paghahanap ng katotohanan nang tuwiran mula sa Panginoon (tingnan sa 1 Nephi 15:6–11).
Habang sinusuri mo ang pag-asa mo sa Panginoon kumpara sa ibang tao, alin sa mga opsiyong ito ka nakakaugnay?
Mga Nagmumula sa Mundo |
Mga Nagmumula sa Ebanghelyo |
Madalas kong malimutang pagnilayan at pagbulayan ang itinuro sa pangkalahatang kumperensya. |
Regular kong pinag-aaralan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya para manatiling sariwa ang mga salita ng mga lider sa aking isipan. |
Kapag mayroon akong mga tanong, tumitingin ako sa social media o sa mga paborito kong podcast para mahanap ang mga sagot. |
Kapag mayroon akong mga tanong, naghahanap ako ng tulong sa mga banal na kasulatan o sa mga salita ng mga makabagong propeta. |
Madalas kong malimutang magdasal at mag-aral ng mga banal na kasulatan. |
Ang pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay regular na bahagi ng buhay ko. |
Mas maganda ang payo ng ibang tao kaysa sa payo ng mga lider ng Simbahan o sa mga banal na kasulatan. |
Nakadarama ako ng kapayapaan sa pakikinig sa mga salita ng mga lider ng Simbahan at sa mga banal na kasulatan. |
Pinahahalagahan ko ang mga opinyon ng iba nang higit kaysa sa mga turo ng ebanghelyo. |
Pinahahalagahan ko ang mga turo ng ebanghelyo at inspirasyon mula sa Espiritu Santo. |