“Bogotá, Colombia,” Liahona, Ene. 2024.
Narito ang Simbahan
Bogotá, Colombia
Ang Bogotá ay isa sa pinakamataas na kabisera sa mundo. Ang unang kongregasyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Colombia ay inorganisa noong 1966. Ngayon, ang Simbahan sa Colombia ay may:
-
214,400 mga miyembro (humigit-kumulang)
-
30 stake, 257 ward at branch, 5 mission
-
2 templo (Bogotá at Barranquilla) at 1 ang ibinalita (Cali)
Ang mga Himno ay Nag-aanyaya sa Espiritu
Nadarama nina Dario at Esneda Cruz, mula sa Bogotá, na mas napapalapit sila sa Diyos kapag kumakanta sila ng mga himno. “Sa pamamagitan ng mga ito napapalakas namin ang aming patotoo,” paliwanag nila. “Ang damdaming inihahatid ng mga ito sa aming puso ay napakaespesyal.”
Iba pa tungkol sa Simbahan sa Colombia
-
Si Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, at si Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol ay naglakbay papuntang Colombia para sa paglalaan ng templo sa Barranquilla.
-
Ang mga miyembro sa Colombia ay natutong umasa sa sarili at magkaroon ng pag-asa, sa kabila ng mga paghihirap.
-
Basahin kung paano sumapi sa Simbahan ang isang miyembro ng Pitumpu mula sa Colombia.
-
Ibinahagi ni Pangulong Oaks ang kuwento tungkol sa isang matapat na mag-asawa sa Colombia at ang mga sakripisyong ginawa nila para mabuklod sa templo.
-
Isang stake sa Colombia ang nag-ambag ng oras at pagsisikap para tulungan ang isang pamilyang nahihirapan.