“Pagkasumpong sa Liwanag ng Tagapagligtas sa Aklat ni Mormon,” Liahona, Ene. 2024.
Para sa mga Magulang
Paghahanap sa Liwanag ng Tagapagligtas sa Aklat ni Mormon
Mahal na mga Magulang,
Ang isyu sa buwang ito ay naglalaan ng mga kabatiran tungkol sa Aklat ni Mormon bilang kurikulum ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa 2024. Tinatalakay ng mga artikulo sa ibaba ang mga susi sa paghahanap ng liwanag at katotohanan sa isang mundong kadalasa’y puno ng kadiliman at kalituhan.
Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo
Paghahanap sa Liwanag ng Tagapagligtas
Isiping ibahagi sa iyong pamilya ang ilang ideya mula sa artikulo ni Pangulong Eyring sa pahina 4, at talakayin ang papel na ginagampanan ng liwanag sa ating buhay. Rebyuhin ang kuwento ni Kamryn tungkol sa pagkasumpong sa Tagapagligtas sa dilim. Paano maaaring masumpungan ng inyong pamilya ang liwanag ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ninyo ng Aklat ni Mormon ngayong taon?
Saan Hahanapin ang Katotohanan
Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan, at maaari nating matutuhan ang Kanyang katotohanan sa pamamagitan ng masigasig na paghahanap dito. Kinailangang magpasiya nina Elder at Sister Silva kung saan titira nang makabalik na sila mula sa misyon, kaya humingi sila ng patnubay mula sa Panginoon (tingnan sa pahina 20). Kailan ka nabigyan ng Panginoon ng patnubay na kinailangan mo?
Tingnan ang Iba pa sa Iyong Pag-aaral ng Ebanghelyo
Kapag bumibisita ka sa isang art museum, madalas magmadali ang mga tao na tingnan ang lahat ng mga obrang pwede nilang makita, kaya posibleng makalagpas sa kanila ang kagandahan ng sining. Gayundin, maaaring makalagpas sa mga mambabasa ng Aklat ni Mormon ang mahahalagang katotohanan kung mamadaliin nila ang pagbabasa. Anong mga estratehiya ang makakatulong sa atin para tingnang mabuti ang aklat na ito ng banal na kasulatan? Tingnan sa pahina 12 ang ilang ideya.
Katuwaan ng Pamilya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ang Makipot at Makitid na Landas
Ang pagkain ng bunga ng punungkahoy ng buhay ay simbolo ng pagpili ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo (tingnan sa 1 Nephi 15:36; Doktrina at mga Tipan 14:7). Subukan ang aktibidad na ito para malaman kung paano tayo inaakay ng gabay na bakal (ang salita ng Diyos) sa pinakadakilang kaloob na ito ng Diyos.
-
Iteyp sa dingding ang isang larawan ng punungkahoy ng buhay.
-
Iteyp ang isang tali (na kumakatawan sa gabay na bakal) sa ilalim ng larawan, at patayuin ang isang tao sa kabilang panig ng silid na hawak ang kabilang dulo ng pisi.
-
Orasan kung gaano katagal maglalakad ang isang batang nakapiring mula sa isang dulo ng silid hanggang sa punungkahoy ng buhay nang hindi kumakapit sa pisi.
-
Ngayon naman ay orasan kung gaano katagal bago makarating sa punungkahoy ng buhay habang nakahawak sa pisi.
Talakayan: Ano ang magagawa natin para makahawak sa gabay na bakal at huwag bumitiw kailanman?