“Tahanan—Isang Sagradong Lugar ng Pagkatuto,” Liahona, Abr. 2024.
Welcome sa Isyung Ito
Tahanan—Isang Sagradong Lugar ng Pagkatuto
Anuman ang sitwasyon ng inyong pamilya, matutulungan kayo ng Panginoon na gawing sagradong lugar ng pagkatuto at espirituwal na paglago ang inyong tahanan. May mga anak man kayo o wala, maaari kayong maging positibong impluwensya sa kanila sa tahanan, sa isang calling o tungkulin, o sa inyong mga kamag-anak.
Sa “Pagtulong sa Ating Pamilya na Mamuhay sa Liwanag at Katotohanan,” ipinaliwanag ni Elder Hugo E. Martinez kung paano gumagawa ng malaking kaibhan ang paggamit sa tahanan bilang sentro ng pag-aaral. Isinulat niya: “Kahit parang hindi nakikinig ang ating mga anak, malay ninyo baka nakikinig talaga sila at natututo. Kaya nga napakahalaga na patuloy na ibahagi ang ebanghelyo” (pahina 12).
Ibinahagi sa atin ni Merrilee Browne Boyack ang tatlong paraan ng pagtuturo tungkol pagiging sentro ng pamilya sa plano ng Diyos sa kanyang artikulong “Isang Saligang Kaytibay: Pagtuturo sa mga Anak ng Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak” (pahina 16).
Sa aking artikulong, “Ang Banal na Tadhana ng Ating mga Anak,” isinulat ko na sa pagkilala kay Jesucristo, mapapansin ng ating mga anak ang kanilang likas na kabanalan at pagmamahal ng Diyos para sa bawat isa sa kanila (pahina 20).
Inaanyayahan ko kayong basahin ang isyung ito para sa mga ideya at inspirasyon sa pakikipagtuwang sa Panginoon sa tahanan at sa maraming iba pang lugar—isang pakikipagtuwang na magpapala sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay.
W. Justin Dyer, PhD
Brigham Young University