Liahona
Port-au-Prince, Haiti
Abril 2024


“Port-au-Prince, Haiti,” Liahona, Abr. 2024.

Narito ang Simbahan

Port-au-Prince, Haiti

mapa na may bilog sa paligid ng Haiti
mga bahay sa Haiti

Si Alexandre Mourra, ang unang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw mula sa Haiti, ay tinuruan ng mga missionary at nabinyagan sa Florida, USA, noong 1977. Bumalik siya sa Haiti at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanyang inang-bayan. Pagsapit ng Hulyo 1978, 22 tao na ang sumapi sa Simbahan at nabuo ang isang branch, na si Brother Mourra ang pangulo. Ngayon, ang Simbahan sa Haiti ay may:

  • 24,900 mga miyembro (humigit-kumulang)

  • 5 stake, 48 kongregasyon, 1 mission

  • 1 templo sa Port-au-Prince

Mga Pagpapala ng Sabbath

Ibinahagi ni Brother Richard Merisma, na naninirahan sa Port-au-Prince, “Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na ang Sabbath ay isang pinagpala at banal na araw na nilikha ng Diyos para mapanibago natin ang ating relasyon o ugnayan sa Kanya. Ito rin ang perpektong pagkakataon para magsama-sama ang mga pamilya, patindihin ang pagmamahal at paggalang nila sa isa’t isa, at magkaroon ng pagkakaisa.”

ina at ama na may kasamang maliit na batang lalaki

Larawang-kuha sa kagandahang-loob ng pamilya Merisma

Iba pa tungkol sa Simbahan sa Haiti

Port-au-Prince Haiti Temple

Port-au-Prince Haiti Temple

Port-au-Prince Haiti Temple

Nanonood ng pangkalahatang kumperensya ang isang pamilya sa Haiti.