“Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan,” Liahona, Abr. 2024.
Para sa mga Magulang
Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan
Mahal na mga Magulang,
Nagturo si Haring Benjamin tungkol sa kagalakang nadarama natin kapag ipinamumuhay natin ang ebanghelyo. Pinayuhan niya ang kanyang mga tao na “isaalang-alang ang pinagpala at maligayang kalagayan ng mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos” (Mosias 2:41).
Maaari ninyong rebyuhin ang sumusunod na mga artikulo bilang pamilya at pagnilayan kung paano naghatid ng kaligayahan at mga pagpapala sa inyong buhay ang pamumuhay ayon sa mga alituntuning ito.
Mga Talakayan Tungkol sa Ebanghelyo
Busugin ang Inyong Kaluluwa sa Madalas na Pagdarasal
Tulad ng sinasabi sa atin ng gutom na kailangan nating busugin ang ating katawan, may paraan ang ating espiritu sa pagpapaalam sa atin na kailangan nating busugin ang ating espiritu. Magbahagi ng ilang sipi mula sa artikulo ni Elder Ulisses Soares tungkol sa panalangin (pahina 4) at anyayahan ang inyong mga kapamilya na magbahagi ng isang pagkakataon na nadama nila na binusog ng panalangin ang kanilang kaluluwa.
Sulit Itong Pagsikapan
Madaling isipin kung gumagawa ng kaibhan ang mga pagsisikap ninyong turuan ang inyong mga anak. Sa kanyang artikulo sa pahina 12, ibinahagi ni Elder Hugo E. Martinez ang sarili niyang karanasan sa pagtuturo ng ebanghelyo sa kanyang mga anak. Habang nagbabasa ka, pagnilayan ang maliliit na hakbang na magagawa mo para lumikha ng isang tahanan na mas nakasentro kay Cristo—na palaging sulit na pagsikapan.
Paglikha ng Isang Matibay na Saligan
Ipinapahayag ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ang mahahalagang katotohanan at pamantayan ng ebanghelyo. Basahin ang artikulo sa pahina 16 para malaman ang tatlong paraan ng paggamit ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak para matulungan ang inyong mga anak na lumikha ng matibay na espirituwal na saligan at maghandang ipagtanggol ang kanilang mga paniniwala.