Liahona
Parang Dumating na ang Tagapagligtas
Abril 2024


“Parang Dumating na ang Tagapagligtas,” Liahona, Abr. 2024.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Jarom 1; Mosias 3

Parang Dumating na ang Tagapagligtas

Pag-asam sa Unang Pagparito ng Panginoon

Ipinaliwanag ni Jarom na itinuro sa mga Nephita ang layunin ng batas ni Moises: ang tulungan silang “umasa sa Mesiyas, at maniwalang siya ay paparito na para bagang pumarito na siya” (Jarom 1:11; idinagdag ang diin).

si Haring Benjamin na nagsasalita sa kanyang mga tao

Mensahe ni Haring Benjamin, ni Jeremy Winborg, hindi maaaring kopyahin

Makalipas ang mga 275 taon, ibinigay ni Haring Benjamin ang mensahe ring iyon—na “maniwala na si Cristo ay paparito … na parang siya ay pumaroon na sa kanila” (Mosias 3:13; idinagdag ang diin).

Ang paniniwala sa Panginoon nang may katiyakan—sa paraan na maaaring gawin nila kung naparoon na nga Siya sa kanila—ay magpapalakas sa pananampalataya nila na umasa sa Kanya para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan (tingnan sa 2 Nephi 25:24–27). Itinuro ng mga propetang Nephita na kahit hindi pa naisilang ang Tagapagligtas sa mortalidad, maaaring makatulong ang Kanyang Pagbabayad-sala sa kanilang buhay.

Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Ang Ikalawang Pagparito, ni Harry Anderson

Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon

Tulad noong panahon ng Aklat ni Mormon, inaanyayahan pa rin tayo ng mga propeta na “umasa sa Mesiyas” (Jarom 1:11) at maghanda para sa Kanyang pagparito:

“Dapat tayong maghanda kapwa sa temporal at sa espirituwal para sa mga kaganapang ipinropesiya sa oras ng Ikalawang Pagparito.”1

“Isa sa inyong mahahalagang responsibilidad ang tulungan ang mundo na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.”2

“Ano ang magagawa natin para makapaghanda ngayon para sa araw na iyon? Maaari nating ihanda ang ating mga sarili bilang isang grupo ng mga tao; maaari nating tipunin ang mga [pinagtipanang] tao ng Panginoon; at maaari nating tulungang tubusin ang pangako ng kaligtasang ‘ginawa sa mga ama,’ na ating mga ninuno. Ang lahat ng ito ay kailangang maisagawa sa malawak na antas bago ang muling pagparito ng Panginoon.”3