Liahona
Pagkakaroon ng Matatag na Pananampalataya sa Pamamagitan ng Espirituwal na Kahandaan
Agosto 2024


“Pagkakaroon ng Matatag na Pananampalataya sa Pamamagitan ng Espirituwal na Kahandaan,” Liahona, Ago. 2024.

Welcome sa Isyung Ito

Pagkakaroon ng Matatag na Pananampalataya sa Pamamagitan ng Espirituwal na Kahandaan

Sa panahong puno ng mga espirituwal na hamon, itinuturo ng mga propeta at apostol kung paano lubos na natutukoy ng ating paghahanda ang resulta ng mga hamong iyon sa ating buhay.

Sa isyung ito, ibinahagi ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano inihanda ng pananampalataya, katalinuhan, at mga taktika ni Kapitan Moroni ang kanyang mga tao upang mapagpala sila ng Panginoon ng tagumpay sa mga digmaan laban sa mga Lamanita.

Sa isang natalong pinuno ng kaaway, sinabi ni Moroni, “Ibinigay kayo [ng Panginoon] sa aming mga kamay. At ngayon nais kong maunawaan ninyo na ito ay … dahil sa aming relihiyon at sa aming pananampalataya kay Cristo” (Alma 44:3).

Isinulat ni Elder Renlund: “Nagpakita si Moroni ng mga alituntuning magagamit natin upang tulungan tayong harapin ang mga hamon ng ating makabagong buhay. Kapag nanampalataya tayo kay Jesucristo … pagpapalain Niya tayo ng Kanyang kapangyarihan” (pahina 4).

Ang mga artikulo at kuwento sa isyung ito ay nagpapakita ng mahahalagang paraan na magagawa natin ito. Sa aking artikulo, isinusulat ko, “Nawa’y magpasiya tayo—nang minsanan at sa walang hanggan—na piliing manampalataya kay Jesucristo, isang pananampalatayang sapat para sa lahat ng panahon ng buhay” (pahina 44). Kapag ginawa natin ito, magiging mas handa tayong tumanggap ng banal na tulong mula sa langit sa pagharap sa ating mga espirituwal na hamon.

Elder Mark D. Eddy

Ng Pitumpu

si Kapitan Moroni hawak ang bandila ng kalayaan

“Iniyukod [ni Moroni] ang kanyang sarili sa lupa, at siya ay nanalangin nang mataimtim sa kanyang Diyos upang ang mga pagpapala ng kalayaan ay mapasakanyang mga kapatid, hangga’t may pangkat ng mga Kristiyanong nananatili upang angkinin ang lupain.”

For the Blessings of Liberty [Para sa mga Pagpapala ng Kalayaan], ni Scott M. Snow, hindi maaaring kopyahin