Mga Pagkilala
Inangkop ng Pagpapagaling sa pamamagitan ng Tagapagligtas: Ang Addiction Recovery Program 12 Hakbang na Gabay sa Pagrekober ang orihinal na 12 hakbang ng Alcoholics Anonymous World Services, Inc. sa isang framework ng mga doktrina, alituntunin, at paniniwala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang orihinal na 12 hakbang ay nakalista rito, at ang 12 hakbang na ginamit sa programang ito ay lilitaw sa buong natitirang bahagi ng gabay na ito.
Ang 12 hakbang ay muling inilimbag at inangkop nang may pahintulot ng Alcoholics Anonymous World Services, Inc. (AAWS). Ang pahintulot na muling ilimbag at iangkop ang 12 hakbang ay hindi nangangahulugang nirebyu o inapbrubahan ng AAWS ang nilalaman ng lathalaing ito o kaya ay sumasang-ayon ang AAWS sa mga pananaw na ipinahayag dito. Ang Alcoholics Anonymous (AA) ay isang programa ng pagrekober mula sa alkoholismo lamang. Ang paggamit ng 12 hakbang na may kaugnayan sa mga programa at aktibidad na ginamit na huwaran ang AA ngunit tumutugon sa iba pang mga problema o sa anumang iba pang konteksto na hindi AA ay hindi nagpapahiwatig ng iba pa. Dagdag pa rito, bagama’t ang AA ay isang espirituwal na programa, ang AA ay hindi isang panrelihiyon na programa. Samakatwid, ang AA ay walang kaugnayan o hindi kaanib ng anumang sekta, denominasyon, o partikular na paniniwala sa relihiyon.
Ang 12 Hakbang ng Alcoholics Anonymous:
-
Tayo ay umamin na wala tayong kapangyarihan sa alak—at ang ating mga buhay ay hindi na mapamahalaan.
-
Naniwala na isang Kapangyarihang higit na malakas kaysa sa ating mga sarili ang magbabalik sa atin sa katinuan.
-
Nagpasiya na ipaubaya ang ating kalooban at ang ating mga buhay sa pangangalaga ng Diyos ayon sa pagkaunawa natin sa Kanya.
-
Gumawa ng mapanuri at walang takot na moral na imbentaryo ng ating mga sarili.
-
Inamin sa Diyos, sa ating mga sarili, at sa ibang tao kung ano ang tunay na katangian ng ating mga pagkakamali.
-
Naging lubos na handa upang maalis ng Diyos ang lahat ng depektong ito ng pagkatao.
-
Mapagkumbabang hiniling sa Kanya na alisin ang ating mga kamalian.
-
Gumawa ng listahan ng lahat ng taong napinsala natin, at naging handang makipag-ayos sa kanilang lahat.
-
Direktang nakipag-ayos sa gayong mga tao hangga’t maaari, maliban na lamang kung ang paggawa niyon ay makapipinsala sa kanila o sa iba.
-
Patuloy na gumawa ng personal na imbentaryo at nang magkamali tayo ay kaagad na inamin ito.
-
Hiniling sa pamamagitan ng pananalangin at pagninilay na mas mapalalim ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos ayon sa pagkaunawa natin sa Kanya, nananalangin lamang para sa pagkaalam ng Kanyang kalooban para sa atin at sa kapangyarihan na maisakatuparan ito.
-
Sa pagkakaroon ng espirituwal na pagmulat dulot ng mga Hakbang na ito, sinikap naming ipahatid ang mensaheng ito sa mga nalulong sa alak, at ipamuhay ang mga alituntuning ito sa lahat ng aming ginagawa.
Alcoholics Anonymous World Services, Inc.®