Adiksyon
Ang 12 Hakbang


“Ang 12 Hakbang,” Pagpapagaling sa Pamamagitan ng Tagapagligtas: Ang Addiction Recovery Program 12 Hakbang na Gabay sa Pagrekober (2023)

“Ang 12 Hakbang,” Ang Addiction Recovery Program 12 Hakbang na Gabay sa Pagrekober

Pagpapagaling sa pamamagitan ng Tagapagligtas: Ang Addiction Recovery Program

Ang 12 Hakbang

Hakbang 1: Tanggapin na tayo, sa ating mga sarili, ay walang kapangyarihang madaig ang ating mga adiksiyon at na ang ating mga buhay ay hindi na mapamahalaan

Hakbang 2: Maniwala na ang kapangyarihan ng Diyos ay makapagbabalik sa atin sa lubos na espirituwal na kasiglahan

Hakbang 3: Magpasya na ibaling ang ating mga kalooban at ang ating mga buhay sa pangangalaga ng Diyos na Amang Walang Hanggan at ng Kanyang Anak na si Jesucristo

Hakbang 4: Gumawa ng mapanuri at walang takot na nakasulat na moral na imbentaryo ng ating mga sarili

Hakbang 5: Aminin sa ating mga sarili, sa ating Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo, sa wastong awtoridad ng priesthood, at sa ibang tao kung ano ang tunay na katangian ng ating mga pagkakamali

Hakbang 6: Maging lubos na handa upang maalis ng Diyos ang lahat ng kahinaan ng ating pagkatao

Hakbang 7: Mapagpakumbabang hilingin sa Ama sa Langit na alisin ang ating mga kahinaan

Hakbang 8: Gumawa ng listahan ng lahat ng taong nasaktan natin at maging handa na bumawi sa kanila

Hakbang 9: Hangga’t maaari, tuwirang bumawi sa lahat ng taong nasaktan natin

Hakbang 10: Magpatuloy sa paggawa ng personal na imbentaryo, at kapag mali tayo, aminin ito kaagad

Hakbang 11: Hangarin sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay na malaman ang kalooban ng Panginoon at magkaroon ng kapangyarihang isagawa ito

Hakbang 12: Dahil nagkaroon ng espirituwal na paggising sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo bunga ng paggawa ng mga hakbang na ito, ibinabahagi natin ang mensaheng ito sa iba at isinasagawa natin ang mga alituntuning ito sa lahat ng ating ginagawa