Buod ng Kasaysayan
Ang sumusunod na kronolohiya ay nagbibigay ng maikling buod ng kasaysayan para sa mga turo ni Pangulong Howard W. Hunter sa aklat na ito.
Nobyembre 14, 1907 |
Isinilang kina John William (Will) Hunter at Nellie Marie Rasmussen Hunter sa Boise, Idaho. |
Abril 4, 1920 |
Bininyagan at kinumpirma sa Boise. |
Mayo 1923 |
Tumanggap ng Eagle Scout Award—ang pangalawang Eagle Scout sa Boise. |
Enero at Pebrero 1927 |
Kasama ang kanyang banda, ang Hunter’s Croonaders, nagtanghal sila ng musika sa dalawang buwang paglalayag sa Asia. |
Marso 1928 |
Lumipat sa Southern California. |
Abril 1928 |
Nagsimulang magtrabaho sa isang bangko sa California. |
Hunyo 10, 1931 |
Pinakasalan si Clara May (Claire) Jeffs sa Salt Lake Temple. |
Enero 1932 |
Nawalan ng trabaho dahil nagsara ang bangko sanhi ng Depression; nagsimulang pumasok sa iba’t ibang trabaho. |
Enero 1934 |
Nagsimulang magtrabaho sa departamentong nangangasiwa sa mga legal na dokumento ng Los Angeles County Flood Control District. |
Marso 20, 1934 |
Isinilang ang anak na si Howard William (Billy) Hunter Jr. |
Oktubre 11, 1934 |
Pumanaw ang anak na si Howard William (Billy) Hunter Jr. |
Setyembre 1935 |
Pumasok sa Southwestern University School of Law sa Los Angeles (ngayon ay Southwestern Law School). |
Mayo 4, 1936 |
Isinilang ang anak na si John Jacob Hunter. |
Hunyo 29, 1938 |
Isinilang ang anak na si Richard Allen Hunter. |
Hunyo 8, 1939 |
Nagtapos mula sa law school, pangatlo sa mga nagsipagtapos. |
Abril 1940 |
Nagsimula ng sariling law firm company, nagtrabaho nang part-time at pagkatapos ay full-time noong 1945; patuloy na nagtrabaho bilang abugado hanggang sa tawagin siya bilang Apostol noong 1959. |
Setyembre 1940 hanggang Nobyembre 1946 |
Naglingkod bilang bishop ng El Sereno Ward sa California. |
Pebrero 1950 hanggang Nobyembre 1959 |
Naglingkod bilang pangulo ng Pasadena Stake sa California. |
Nobyembre 14, 1953 |
Nabuklod sa kanyang mga magulang sa kanyang ika-46 na kaarawan sa Mesa Arizona Temple. |
Oktubre 9, 1959 |
Tinawag ni Pangulong David O. McKay upang maging miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. |
Oktubre 15, 1959 |
Inorden na Apostol at itinalaga ni Pangulong David O. McKay bilang miyembro ng Korum ng Labindalawa. |
1964 hanggang 1972 |
Naglingkod bilang pangulo ng Genealogical Society ng Simbahan. |
1965 hanggang 1976 |
Naglingkod bilang pangulo ng Polynesian Cultural Center sa Laie, Hawaii. |
1970 hanggang 1972 |
Naglingkod bilang Church Historian. |
1974 hanggang 1979 |
Tumulong sa pangangasiwa sa pagpaplano, pagpopondo, at pagtatayo ng Orson Hyde Memorial Garden sa Jerusalem. |
Nobyembre 1975 |
Pinamahalaan ang pag-oorganisa ng 15 stake sa loob lamang ng isang Sabado at Linggo mula sa 5 stake sa Mexico City. |
1979 hanggang 1989 |
Pinangasiwaan ang pagpaplano at pagtatayo ng Brigham Young University (BYU) Jerusalem Center for Near Eastern Studies. |
Oktubre 24, 1979 |
Pinangasiwaan ang paglalaan ng Orson Hyde Memorial Garden sa Jerusalem. |
Oktubre 9, 1983 |
Pumanaw si Claire Hunter pagkaraan ng mahigit 10 taong pagkakasakit. |
Nobyembre 10, 1985 |
Itinalaga bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol dahil sa mahinang kalusugan ng pangulo ng korum na si Marion G. Romney. |
Hunyo 2, 1988 |
Itinalaga bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol nang pumanaw si Pangulong Marion G. Romney. |
Mayo 16, 1989 |
Inilaan ang BYU Jerusalem Center for Near Eastern Studies. |
Abril 12, 1990 |
Pinakasalan si Inis Bernice Egan Stanton sa Salt Lake Temple. |
Hunyo 5, 1994 |
Itinalaga bilang ika-14 na Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. |
Oktubre 1, 1994 |
Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya. |
Oktubre 9, 1994 |
Inilaan ang Orlando Florida Temple. |
Disyembre 11, 1994 |
Pinamunuan ang paglikha ng ika-2,000 stake ng Simbahan (Mexico City Mexico Contreras Stake). |
Linggo, Enero 08, 1995 |
Inilaan ang Bountiful Utah Temple. |
Marso 03, 1995 |
Pumanaw sa kanyang tahanan sa Salt Lake City, Utah, sa edad na 87. |