Bahagi 131
Mga tagubilin ni Joseph Smith, ang Propeta, ibinigay sa Ramus, Illinois, ika-16 at 17 ng Mayo, 1843 (History of the Church, 5:392–393).
1–4, Selestiyal na kasal ay kinakailangan sa pagkakadakila sa pinakamataas na langit; 5–6, Paano ang mga tao ay ibinubuklod sa buhay na walang hanggan ay ipinaliwanag; 7–8, Lahat ng espiritu ay bagay.
1 Sa selestiyal na kaluwalhatian ay may tatlong kalangitan o antas;
2 At upang matamo ang pinakamataas, ang isang tao ay kailangang pumasok sa orden na ito ng pagkasaserdote [ibig sabihin ang bago at walang hanggang tipan ng kasal];
3 At kung hindi niya gagawin, hindi niya ito matatamo.
4 Maaari siyang pumasok sa iba, subalit iyon na ang katapusan ng kanyang kaharian; hindi siya magkakaroon ng pag-unlad.
5 (Ika-17 ng Mayo 1843.) Ang mas tiyak na salita ng propesiya ay nangangahulugan na malaman ng isang tao na siya ay ibinuklod sa buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng paghahayag at ng diwa ng propesiya, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Pagkasaserdote.
6 Hindi maaari para sa isang tao na maligtas dahil sa kamangmangan.
7 Walang anumang bagay na hindi materyal na bagay. Lahat ng espiritu ay bagay, subalit ito ay mas pino o dalisay, at maaari lamang makilala sa pamamagitan ng mas dalisay na mga mata;
8 Hindi natin ito makikita; subalit kapag ang ating mga katawan ay pinadalisay ating makikita na itong lahat ay bagay.