“Isang Maliit na Gawa na may Malalaking Pagpapala,” Kaibigan, Hunyo 2023, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Isang Maliit na Gawa na may Malalaking Pagpapala
Tingnan sa “Always Have His Spirit,” Ensign, Nob. 1996, 59–61.
Kapag nabinyagan tayo, ipinapakita natin na handa tayong taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo. Nangangako rin tayo na gagawin natin ang Kanyang gawain at susundin ang Kanyang mga kautusan. Pagkatapos ay ipapatong ng mga maytaglay ng priesthood ang kanilang mga kamay sa ating mga ulo upang basbasan tayo ng kaloob na Espiritu Santo.
Tuwing tumatanggap tayo ng sakramento, pinaninibago natin ang tipan sa ating binyag. Naghahanda tayo sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga maling bagay na nagawa natin. Iniisip natin si Jesucristo. At nangangako tayo na palagi Siyang aalalahanin.
Kapag ginagawa natin ang mga bagay na ito, pinapatawad tayo ng Panginoon. Nangangako rin Siya na kapag sinusunod natin ang Kanyang mga kautusan, mapapasaatin sa tuwina ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang umaalo sa atin, ang kumakausap sa atin, at ang ating gabay pabalik sa Ama sa Langit.
Ang sakramento ay tila isang maliit na bagay. Pero nagdudulot ito sa atin ng malalaking pagpapala. Dalangin ko na palaging mapasaatin ang mga pagpapalang ito.
Mga Sagot sa Sakramento
Nakapakinig na ba kayong mabuti sa mga panalangin sa sakramento? Itugma ang mga tanong at mga sagot sa ibaba. (Maaari mong basahin ang mga panalangin sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79.)
-
Ano ang aalalahanin natin?
-
Ano ang ipinapangako natin?
-
Anong pagpapala ang ipinapangako sa atin ng Panginoon?
-
Ang katawan at dugo ng Tagapagligtas
-
Na sa tuwina ay mapasaatin ang Kanyang Espiritu
-
Na tataglayin natin sa ating sarili ang pangalan ni Jesus, lagi Siyang aalalahanin, at susundin ang Kanyang mga kautusan