“Pangtamad na Lemonada,” Kaibigan, Hunyo 2023, 38.
Masasayang Bagay
Pangtamad na Lemonada
Gawin ang masarap na lemonadang ito para maibahagi sa mainit na araw ng tag-init!
-
Sa isang kawali, initin ang 1 tasang tubig at 1 tasang asukal. Haluin hanggang sa matunaw ang asukal.
-
Hintaying lumamig ang tubig, pagkatapos ay ibuhos ito sa isang pitsel.
-
Magdagdag ng 1 tasang lemon juice at 3 tasang malamig na tubig sa pitsel. Haluin nang mabuti.
-
Lagyan ng yelo at magrelaks kasama ang iyong malamig na baso ng lemonada!
Ano ang maaaring sinasabi ng mga pagong sa dagat na ito? Isulat iyon sa mga bubble! Pagkatapos ay ipadala ito sa Kaibigan.