2023
Ang Aking Planong Pangkaligtasan sa Media
Hunyo 2023


“Ang Aking Planong Pangkaligtasan sa Media,” Kaibigan, Hunyo 2023, 42.

Ang Aking Planong Pangkaligtasan sa Media

Pahina ng aktibidad tungkol sa kaligtasan sa media

Larawang-guhit ni Mary Rojas

Ang pagkakaroon ng plano ay makakatulong sa iyong malaman kung ano mismo ang gagawin kapag nakakita ka ng isang masamang larawan o video.

Tawagin ito ayon sa kung ano ito.

Sabihing, “Masamang larawan ito” o “Masamang video iyan.” Tutulungan ka ng Espiritu Santo na malaman kung hindi mabuti ang isang larawan o video. Magtiwala sa iyong mga nadarama.

Kapag nakakakita ako ng isang masamang larawan o video, ako ay …

Tatalikod.

Mag-kiklik para isara ang palabas. Papatayin ang computer. Aalis palayo. Gawin ang anumang kailangan mong gawin upang makalayo sa masamang larawan.

Kung natutukso akong patuloy na tumingin sa isang masamang larawan, ako ay …

Makikipag-usap sa isang ligtas na adult tungkol sa nakita at nadama mo.

Maaari itong isang magulang o isa pang adult na pinagkakatiwalaan mo. Huwag matakot! Mahal ka nila at tutulungan ka nila.

Kapag nakakakita o nakakarinig ako ng isang bagay na masama, kakausapin ko si …