2023
Ipinintang Asin
Hunyo 2023


“Ipinintang Asin,” Kaibigan, Hunyo 2023, 29.

Masasayang Bagay

Ipinintang Asin

Larawan
Aktibidad sa pagpinta

Paglalarawan ni Thomas S. Child

Sinabi ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo, “Kayo ang asin ng lupa” (Mateo 5:13). Ang asin ay isang karaniwang bagay na maaaring gamitin sa maraming kamangha-manghang bagay. Gawin ang painting na ito at isipin ang ilan sa mga kamangha-manghang bagay na magagawa mo sa tulong ng Diyos!

  1. Sa isang papel, gamitin ang glue para gumuhit ng isang larawan. Maaari mong iguhit ang anumang gusto mo!

  2. Ibuhos ang asin sa papel. Sikaping mapadikit sa glue ang lahat ng asin na maaaring dumikit dito. Pagpagin ang sobrang asin sa isang mangkok.

  3. Ulitin ang ikalawang hakbang hanggang sa lubos na matakpan ng asin ang glue.

  4. Isawsaw ang paintbrush sa mga watercolor paint at dahan-dahang ipahid ang paintbrush sa iyong disenyo ng asin. Dapat kumalat ang kulay sa asin. (Kapag mas maraming tubig ang pintura mo, mas madaling kakalat ang kulay.)

  5. Magdamag na patuyuin ang iyong painting.

Print