“Nakita Mo Ba si Jesus?” Kaibigan, Hunyo 2023, 12–13.
Nakita Mo Ba si Jesus?
Naganap ang kuwentong ito sa USA.
Napakinit. Para po akong matutunaw!
Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.
Maganda sa pakiramdam ang hangin.
Mas mainam ito!
Lola, mahal po ba ninyo si Jesus?
Oo! Mahal na mahal ko si Jesus.
Ako rin po. Sana lang po ay makita ko Siya. Pagkatapos noon ay malalaman ko po na Siya ay totoo.
Ah iho, totoo si Jesus. Tunay na tao Siya, tulad nating dalawa.
Pero paano ninyo nalaman? Nakita na po ba ninyo si Jesus?
Hindi. Pero nadarama ko Siya araw-araw.
Naaalala mo ba ang hangin na nadama natin habang naglalakad tayo?
Napakasarap sa pakiramdam! Talagang napakainit, pero malamig ang hangin.
Hindi natin nakikita ang hangin. Pero puwede nating madama ito. At kahit hindi natin nakikita si Jesus, madarama pa rin natin ang Kanyang pagmamahal.
Paano natin Siya madarama?
Nadarama ko ang Kanyang pagmamahal kapag tinitingnan ko ang Kanyang magagandang nilikha. Nakikita ko ang Kanyang pagmamahal sa mga bulaklak.
Nakikita ko ang Kanyang pagmamahal sa mga ilog na Kanyang nilikha.
At nakikita ko ang Kanyang pagmamahal kapag nakatingin ako sa iyo!
Maaari po ba kitang tulungang hanapin muli si Jesus bukas?
Oo naman!