2023
Naririnig Mo Ba Ako?
Hunyo 2023


“Naririnig Mo Ba Ako?” Kaibigan, Hunyo 2023, 8.

Masasayang Bagay

Naririnig Mo Ba Ako?

Gamitin ang kunwa-kunwariang telepono na ito sa isang kaibigan o kapamilya!

Isang batang lalaki at babae na nag-uusap gamit ang teleponong yari sa paper o plastic cup at tali

Paglalarawan ni Arthur Lin

  1. Tumusok ng maliit na butas sa ilalim ng dalawang cup.

  2. Pagdugtungin ang mga cup sa pamamagitan ng pagsuot ng pisi sa parehong butas at pagbuhol sa bawat dulo.

  3. Ibigay ang isang cup sa isang kaibigan. Tumayo nang magkalayo at hawakan ang mga cup para mabanat ang pisi.

  4. Magsalita sa isang cup habang hawak ng kaibigan mo ang kabilang dulo na nakadikit sa kanyang tainga para makinig.

  5. Maghalinhinan sa pakikinig at pagsasalita.

Dalawang paper cup na nakakabit sa tali

Mga bagay na maaari mong subukan gamit ang iyong telepono:

  1. Banggitin ang isang pagkakataon na nadama mo ang Espiritu Santo.

  2. Basahin ang paborito mong talata sa banal na kasulatan.

  3. Bumulong at tingnan kung naririnig ka pa rin ng kaibigan mo.

  4. Sabihin sa iyong kaibigan ang paborito mong kuwento tungkol kay Jesus.

  5. Magsabi ng isang bagay na ipinagpapasalamat mo.