2023
Isang Media Maze
Hunyo 2023


“Isang Media Maze,” Kaibigan, Hunyo 2023, 24–25.

Isang Media Maze

Isang maze na may mga tip tungkol sa paggamit ng media

Mga larawang-guhit ni Kelly Smith

Magagabayan kayo ng Espiritu Santo araw-araw habang pinipili ninyo kung ano ang panonoorin, babasahin, at pakikinggan. Hanapin ang inyong daan sa loob ng maze para makita kung paano!

Ang nagpapasiglang media ay maaaring magpasaya at magdulot sa iyo ng kayapaan. Makatutulong ito sa iyon na gustuhing gumawa ng mabubuting bagay. Ang mga damdaming iyon ay mula sa Espiritu Santo. Maaari ka ring magbahagi sa iba ng nakapagpapasiglang mga ideya!

Normal lang ang maging mausisa. Pero ang pakiramdam na kailangan mong itago ang iyong tinitingnan o maglihim ay maaaring babala na dapat mong itigil ito.

Makipag-usap sa isang adult kung nakakakita ka ng mga salita o larawan na hindi mabuti sa pakiramdam mo. Ang damdaming iyon ng babala ay nagmumula sa Espiritu Santo! Kung may nakita kang masama, hindi ka ginagawang masama nito.

Hindi lahat ng nakikita o nababasa mo ay totoo. Tinuturuan ka ng Espiritu Santo na malaman ang totoo. Lumapit sa mga tao at lugar na mapagkakatiwalaan mo kapag naghahanap ka ng impormasyon.

Ang iyong katawan ay kaloob mula sa Diyos. Maganda ang pakiramdam mo kapag nanonood ka at nagbabasa ng mga bagay na nagpapakita ng paggalang sa iyong katawan at sa iba.

Maghanap ng mga pelikula, laro, at aklat na nagpapakita ng mabubuting halimbawa. Ang mga tao ba sa mga ito ay nagsasalita at nakikitungo sa iba nang may kabaitan?

Matutulungan ka ng Espiritu Santo na malaman kung paano pinakamainam na makapagpakita ng pagmamahal sa iba. Masyadong maraming oras ba ang inuukol mo sa isang bagay? Ano ang mas mabuting bagay na magagawa mo?