“Ang Unang Sacrament,” Kaibigan, Hunyo 2023, 46–47.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Unang Sacrament
Bago Siya namatay, nakipagkita si Jesucristo sa Kanyang mga Apostol. Ibinigay Niya sa kanila ang sacrament.
Pinagputul-putol ni Jesus ang tinapay at ibinahagi ito sa kanila. Hiniling Niya sa kanila na kainin ito para tulungan silang maalala na ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa kanila.
Pagkatapos ay binigyan sila ni Jesus ng isang saro. Hiniling niya sa kanila na uminom mula rito. Tutulungan din sila nitong alalahanin Siya.
Kahit hindi kasama ni Jesus ang Kanyang mga Apostol, tinulungan sila ng sacrament na isipin Siya. Nadarama nila ang Kanyang pagmamahal at inaalalang sundin ang mga kautusan.