2023
Pagluluto ng Tinapay para sa Sacrament
Hunyo 2023


“Pagluluto ng Tinapay para sa Sacrament,” Kaibigan Hunyo 2023, 39.

Mga Bata at Kabataan

Pagluluto ng Tinapay para sa Sacrament

Ang mga batang babaeng ito mula sa Utah, USA, ay natutong mag-bake ng tinapay sa isang aktibidad ng Primary. Ang kanilang nilutong tinapay ay ginamit para sa sacrament sa Linggo! Narito ang ilang bagay na natutuhan nila:

Larawan
Batang babaeng nagmamasa

Ang paggawa ng tinapay ay nakatulong sa akin na alalahanin ang katawan ni Jesus nang tumanggap ako ng sacrament.

Olive S., edad 9

Larawan
Batang babaeng nagmamasa

Nagustuhan ko kung gaano kalambot at nakapagbibigay ng kapanatagan ang masa. Ipinapaalala nito sa akin na nakapapanatag din si Jesus.

Peyton S., edad 9

Larawan
Batang babaeng nagmamasa

Kailangang itulak pababa ang masa at pagkatapos ay muling aalsa ito. Itinulak pababa si Jesus, ngunit muli Siyang nagbangon. Tutulungan din Niya akong bumangong muli.

Aislyn S., edad 9

Larawan
Larawan ng mga batang babaeng nakangiti
Larawan
Mga tinapay

Print