2023
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Hunyo 2023


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Hunyo 2023, 49.

Bagong Tipan

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata

Batang lalaking nasa tainga ang kamay

Para sa Juan 14–17

Ibulong ang “Mahal kita” sa iyong maliit na anak. Sabihin sa kanila na ang Espiritu Santo ay bumubulong ng mga salita ng pagmamahal at katotohanan sa ating mga puso at isipan. Hindi natin ito madalas marinig gamit ang ating mga tainga, pero ipinadarama nito sa atin na tayo ay minamahal at ligtas.

Para sa Lucas 22; Juan 18

Awitin ang “Sinisikap Kong Tularan si Jesus,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41) kasama ang iyong maliliit na anak. Bigyan sila ng mahahawakang larawan ni Jesus. Sabihin sa kanila na itaas ito sa tuwing maririnig nila ang “Jesus” sa awitin. Pagkatapos ay tulungan silang sabihin ang, “Mahal ako ni Jesus.”

Para sa Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

Tulungan ang inyong mga musmos na sabihin ang, “Kaya kong magpatawad tulad ni Jesus.” Ipaliwanag na kapag nagpapatawad tayo, tumutulong tayo na gawin itong tama. Isadula ang ilang tagpo ng mga pagkakataon na maaaring kailanganin ng isang tao ng kapatawaran, tulad ng pagkatapos masira ang isang laruan. Tulungan ang iyong mga musmos na pag-isipan kung ano ang maaari nilang sabihin.

Para sa Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21

Ikuwento sa iyong mga musmos ang tungkol sa isang kapamilyang namatay na. Ipakita ang isang larawan kung mayroon ka nito. Ipaliwanag na pumapanaw ang mga tao, pero hindi iyon ang wakas. Tulungan silang sabihin ang, “Lahat tayo ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay, tulad ng ginawa ni Jesus.”