“Isang Panalangin para sa Kapanatagan,” Kaibigan, Hunyo 2023, 28.
Isinulat Mo
Isang Panalangin para sa Kapanatagan
Nang mamatay ang isang mabait na kaibigan ng pamilya ilang buwan na ang nakararaan, talagang nalungkot ako. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng malaking guwang sa tiyan ko. Akala ko ay hindi na ito mawawala.
Pero noong araw na sinabi sa akin ng nanay ko at ng pamilya ko na pumanaw ang kaibigan namin, hindi lang ako ang nalungkot. Labis akong nag-alala sa kanyang pamilya at kung gaano sila kalungkot. Kung ganito ako kalungkot, maaaring libu-libong beses na mas malungkot ang kanyang pamilya.
Noong gabing iyon ay nagdasal ako. Hiniling ko na sana ay maging maayos ang lahat at mapanatag ang aming mga kaibigan. Hiniling ko rin iyon para sa pamilya ko.
Pagkatapos kong magdasal, nakadama ako ng init na bumalot sa akin. Alam ko na iyon ang Espiritu Santo na inaalo ako. Alam ko na magiging maayos ang lahat. Napuno ang guwang sa tiyan ko, at alam kong makikita kong muli ang kaibigan ko balang-araw.