2023
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hunyo 2023


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Hunyo 2023, 10–11.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening, o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Telepono ng Kaibigan

Isang batang lalaki at babae na nag-uusap gamit ang teleponong yari sa paper o plastic cup at tali

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Para sa Juan 14–17

Kuwento: Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo ang tungkol sa Espiritu Santo. Maaari tayong gabayan at aliwin ng Espiritu Santo. Matutulungan Niya tayong malaman kung ano ang tama. (Tingnan sa Juan 14:26.)

Awitin: “The Still Small Voice” (Children’s Songbook, 106–7)

Aktibidad: Buklatin ang pahina 8 para gumawa ng teleponong gawa sa paper o plastic cup. Pag-usapan kung paano tayo matutulungan ng Espiritu Santo na marinig ang nais ituro sa atin ng Ama sa Langit.

Pag-alaala kay Jesus

Isang batang babae na nagpipinta ng larawan ni Jesus

Para sa Lucas 22; Juan 18

Kuwento: Basahin ang kuwento tungkol sa pagbabasbas ni Jesus ng sacrament na makikita sa Lucas 22:14–20 o sa pahina 46.

Awitin: “Tahimik, Taimtim” (Aklat ng mga Awit Pambata, 11)

Aktibidad: Gumuhit ng larawan ni Jesus. Ano ang gagawin mo para alalahanin si Jesus sa pagtanggap mo ng sacrament sa Linggong ito?

Mga Simbolo ng Pagkabuhay na Muli

Isang bato, piraso ng pulang tela, pako, at kaputol na kahoy

Para sa Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

Kuwento: Inialay ni Jesus ang Kanyang buhay para sa atin dahil mahal Niya tayo. Dahil Siya ay nabuhay na muli, tayo rin ay mabubuhay na muli.

Awitin: “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21)

Aktibidad: Tipunin ang mga bagay na ito: pako, piraso ng kahoy, piraso ng tela, at bato. Ipasa-pasa ang mga ito habang binabasa ninyo ang Juan 19:17–19 at Mateo 27:57–60. Bakit ka nagpapasalamat kay Jesucristo?

Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Isang batang lalaki at isang batang babae na nakatingin sa mapa ng mundo

Para sa Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21

Kuwento: Matapos mabuhay na muli si Jesus, sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo na “turuan ang lahat ng mga bansa” tungkol sa Kanyang ebanghelyo (Mateo 28:19). Ngayon, ibinabahagi ng mga missionary ang ebanghelyo sa buong mundo.

Awitin: “Katotohanan N’ya’y Dadalhin Natin sa Mundo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 92–93)

Aktibidad: Tingnan ang kopyang ito ng Kaibigan. Gaano karaming pangalan ng mga bansa ang mahahanap mo? Pumili ng isang bansa para malaman pa ang tungkol dito. Maaari kang magsimula sa “Hello mula sa Portugal!” sa pahina 18.