2023
Pagsunod kay Jesus sa Portugal
Hunyo 2023


“Pagsunod kay Jesus sa Portugal,” Kaibigan, Hunyo 2023, 16–17.

Pagsunod kay Jesus sa Portugal

Kilalanin si Matilde!

Tungkol kay Matilde

Larawan ng batang babaeng nakangiti

Edad: 5

Mula sa: Rehiyon ng Lisbon, Portugal

Wika: Portuges

Pamilya: Matilde, Inay, Itay, at nakababatang kapatid na lalaki at babae

Mga mithiin at pangarap: Maging isang doktor

Paano Sinusunod ni Matilde si Jesus

Isang pamilyang nakatayo sa harap ng Lisbon Portugal Temple

Isang araw, sinabi ng nanay ni Matilde na nais ng kanyang ward na magtipon ng mga laruan. Ang mga laruan ay para sa mga batang kailangang umalis kaagad sa kanilang sariling bansa. Tinanong ng nanay ni Matilde kung mayroon siyang malalambot na laruan na maipapamigay sa kanila. Makakatulong ang mga laruan para mabawasan ang nadarama nilang takot sa kanilang paglalakbay.

Noong una ay ayaw ipamigay ni Matilde ang kanyang mga laruan. Pero naisip niya kung gaano sasaya ang mga bata na makakuha ng laruan. Naisip niya kung paano tinulungan ni Jesucristo ang iba. Kaya kinabukasan, tumulong siyang pumili ng ilang laruang ipapamigay. Masaya siya sa kanyang puso dahil matutulungan niya ang mga bata na gumaan ang pakiramdam. Gustung-gusto niyang sundin si Jesus!

Dalawang batang babaeng nakatayo sa silid na may mga stuffed animal

Mga Paborito ni Matilde

Ang dalampasigan, ang Sanggol na si Jesus, isang peras, isang kulay rosas na bulaklak, at isang lapis at paintbrush

Lugar: Tabing-dagat

Kuwento tungkol kay Jesus: Ang Kanyang pagsilang

Prutas: Peras

Kulay: Rosas

Subject sa Paaralan: Art o Sining

PDF ng Kuwento

Mga paglalarawan ni Anna Daviscourt