“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Hunyo 2023, 26–27.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Alan S. at William K., kapwa edad 8, Málaga, Spain
“Hinahati ni Moises ang Dagat na Pula,” Mirza C., edad 9, Veracruz, Mexico
“Ang Priesthood ay Para sa Akin,” Max H., edad 10, Idaho, USA
“Tayong Lahat ay Konektado,” Cosette G., edad 9, Tennessee, USA
Ashlyn M., edad 9, Indiana, USA
Pinatawad ko ang aking kaibigan sa pagiging salbahe sa akin at nakadama ako ng kapayapaan. Alam kong nalulugod si Jesus sa aking pagpili.
Helaman P., edad 6, Greater Accra Region, Ghana
Nagluto ako ng mga muffin para sa isang pamilya noong nasa quarantine sila. Masaya akong matulungan ang iba!
Eve W., edad 9, Capital Governorate, Kuwait
Gustung-gusto kong alagaan ang mga alagang hayop ko kasama ang kapatid ko. Ang aming mga guinea pig ay mahilig lumabas, at inaalagaan ko ang mga ito habang kumakain ang mga ito ng damo sa aming bakuran.
Noah S., edad 12, Texas, USA
Inanyayahan ko ang aking mga kaibigan at kapitbahay sa programa ko sa Primary. Masaya sa pakiramdam na kumanta para sa kanila. Mahal ko si Jesus at masaya akong sabihin sa iba ang tungkol sa Kanya!
Rayden S., edad 6, Alberta, Canada
Kung minsan sa gabi ay natatakot ako kahit nakahiga sa tabi ko ang aking service dog. Kapag iniisip ko si Jesus at nagdarasal, bumubuti ang pakiramdam ko.
Taylee C., edad 10, Texas, USA
Nagtipon ng mga ibibigay para sa mga refugee ang ward ko. Ibinigay ko ang aking mga stuffed animal o manikang hayop at nadama ko ang Espiritu Santo. Masaya akong makatulong!
Emilia D., edad 6, Lower Saxony, Germany
Kapag nakikinig ako sa mga banal na kasulatan, nadarama ko ang Espiritu Santo. Alam kong mahal ako ni Jesus.
Holland G., edad 8, Wisconsin, USA