2023
Hello mula sa Portgual
Hunyo 2023


“Hello mula sa Portgual!” Kaibigan, Hunyo 2023, 18–19.

Hello mula sa Portugal!

Matuto tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang watawat ng Portugal

Mga larawang-guhit ni Macky Pamintuan

Ang Portugal ay isang bansa sa timog kanlurang Europa. Mga 10 milyong tao ang naninirahan doon.

Magagandang Tile

Mga asul at puting tile

Maraming gusali sa Portugal ang pinalamutian ng mga tile na tinatawag na azulejos na lumilikha ng mga pattern o larawan.

Araw at Surfing

Isang dalampasigan

Ang Portugal ay nasa tabi ng Dagat Atlantiko, kaya maraming magagandang dalampasigan dito. Ang surfing ay isang popular na aktibidad sa tag-init.

Ang Simbahan sa Portugal

Isang pamilyang sama-samang nagbabasa sa sopa

Unang dumating ang mga missionary sa Portugal noong taong 1974. Ngayon ay may mga 45,000 miyembro ng Simbahan sa Portugal.

Masasarap na Pagkain

Isda, bote ng mantika, at tinapay

Ang mga tao sa Portugal ay madalas kumain ng lamang-dagat at karne na may olive oil, mga sariwang dahong pampasarap, at mga pampalasa. Maraming pagkain din ang may kasamang kanin, patatas, o tinapay.

Lisbon Temple

Ang Lisbon Portugal Temple

Inilaan ang unang templo sa Portugal noong 2019.