2021
Maglaan ng Oras para sa Panginoon
Nobyembre 2021


“Maglaan ng Oras para sa Panginoon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.

Sesyon sa Linggo ng Hapon

Maglaan ng Oras para sa Panginoon

Mga Sipi

mga pastol

Ang mga impluwensya ng mundo ay kahika-hikayat at napakarami. Ngunit napakaraming impluwensya ang mapanlinlang, mapanukso, at makapaglalayo sa atin sa landas ng tipan. Upang maiwasan ang tiyak na pagdurusang kahahantungan nito, sumasamo ako sa inyo ngayon na labanan ang panunukso ng mundo sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon para sa Panginoon sa inyong buhay—sa bawat araw.

Kung ang karamihan sa impormasyong nakukuha ninyo ay mula sa social media o sa iba pang media, ang inyong kakayahang marinig ang mga bulong ng Espiritu ay mababawasan. Kung hindi rin ninyo hinahangad ang patnubay ng Panginoon sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin at pag-aaral ng ebanghelyo, pinahihina ninyo ang inyong sarili laban sa mga pilosopiya na maaaring kaganyak-ganyak ngunit hindi totoo. Kahit ang pinakamatatapat na Banal ay maaaring malihis dahil sa walang humpay na panunukso ng mundo.

Mga kapatid, sumasamo ako sa inyo na maglaan ng panahon para sa Panginoon! Patibayin at gawing hindi matitinag sa pagdaan ng mga panahon ang inyong pundasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na magpapahintulot na tuwina ninyong makasama ang Espiritu Santo. …

Walang higit na makapag-aanyaya pa sa Espiritu kaysa sa pagtutuon kay Jesucristo. Mangusap tungkol kay Cristo, magalak kay Cristo, magpakabusog sa mga salita ni Cristo, at magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo. Gawing nakasisiya ang inyong Sabbath habang sumasamba sa Kanya, tumatanggap ng sakramento, at pinananatiling banal ang Kanyang araw.

Tulad ng binigyang-diin ko kaninang umaga, mangyaring maglaan ng panahon para sa Panginoon sa Kanyang banal na bahay. …

… Aakayin at gagabayan Niya kayo sa inyong personal na buhay kung kayo ay maglalaan ng panahon para sa Kanya sa inyong buhay—sa bawat araw.