“Lumapit kay Cristo at Huwag Lumapit nang Mag-isa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Lumapit kay Cristo at Huwag Lumapit nang Mag-isa
Mga Sipi
Nakaramdam na ba kayo na parang may hinahanap kayo, nag-iisip kung kilala kayo ng Ama sa Langit at kung kailangan Niya kayo? Mga minamahal kong kabataan, at sa lahat, pinatototohanan ko na ang sagot ay oo! May plano ang Panginoon para sa inyo. Inihanda Niya kayo para sa panahong ito, ngayon mismo, para maging lakas at puwersa ng kabutihan sa Kanyang dakilang gawain. Kailangan namin kayo! Hindi ito magiging gayon kadakila kung wala kayo! …
Lumapit kay Cristo. Lumapit na ngayon, pero huwag lumapit nang mag-isa! …
Tandaan, ang pinakamainam na paraan para magawa ninyong mas mabuti ang mundo ay ihanda ang mundo para kay Cristo sa pamamagitan ng pag-anyaya sa lahat na sumunod sa Kanya. …
Alam din Niya ang ating mga pagdurusa at nananawagan na, Dalhin ang mga nababalisa at labis na nalulungkot, ang napapagod, ang palalo at hindi nauunawaan, ang nalulumbay, o ang mga “nahihirapan sa anumang dahilan.”
… Sino ang dadalhin ko kay Cristo? Sino ang dadalhin ninyo? …
… Young women at young men, magsimula ngayon, sa inyong sariling tahanan. …
Ngayon ang napakagandang panahon upang makibahagi sa layunin ni Cristo!
Oo, narito kayo para sa isang bagay na dakila. Kaisa ako ni Pangulong Nelson, na nagsabing: “Kailangan kayo ng Panginoon upang mabago ang mundo. Kapag tinatanggap at sinusunod ninyo ang Kanyang kalooban para sa inyo, magagawa ninyo ang imposible!” [Russell M. Nelson, Accomplishing the Impossible: What God Does, What We Can Do (2015), 147].