“Minamahal Mo ba Ako Nang Higit Kaysa mga Ito?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Sabado ng Gabi
“Minamahal Mo ba Ako Nang Higit Kaysa mga Ito?”
Mga Sipi
Naiisip ba ninyo kung ano ang tinutukoy ni Jesus nang itanong Niya kay Pedro, “Minamahal mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” [Juan 21:15]. …
Ang mga bagay ba sa daigdig na ito ay nagdudulot sa atin ng kagalakan, kaligayahan, at kapayapaan na inialok ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo at Kanyang iniaalok sa atin? Siya lamang ang nagdudulot ng tunay na kagalakan, kaligayahan, at kapayapaan sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa Kanya at pagsunod sa Kanyang mga turo. …
Kapag natuklasan natin ang mas malalim na kahulugan ng tanong na ito, tayo ay magiging mas mabuting miyembro ng pamilya, kapitbahay, mamamayan, miyembro ng Simbahan, at mga anak na lalaki at babae ng Diyos. …
… Gayon na lamang ang pagmamahal sa atin ng Ama sa Langit kaya inihanda Niya ang Kanyang plano ng kaligtasan na ang Tagapagligtas ang nasa sentro. …
… Kailangan nating maniwala kay Jesucristo at sa plano ng kaligayahan ng Diyos. Ang maniwala ay ang mahalin at sundin ang ating Tagapagligtas at sundin ang mga kautusan, kahit may mga pagsubok at alitan. …
Hindi tayo dapat mawalan ng pagmamahal at pag-asa kay Jesus, kahit dumaranas tayo ng napakabigat na mga pagsubok. Hindi tayo kalilimutan kailanman ng Ama sa Langit at ni Jesus. Mahal Nila tayo. …
Dapat na lagi nating tandaan na ang ating tunay na kaligayahan ay depende sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos, kay Jesucristo, at sa isa’t isa.
Isang paraan na maipapakita ang ating pagmamahal ay ang makiisa sa pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay sa paggawa ng maliliit na bagay upang mas mapaglingkuran ang isa’t isa. Gumawa ng mga bagay na magagawang mas mainam na lugar ang mundo.
Ano ang mga bagay na magagawa ninyo sa inyong sariling buhay na nagpapakita na inuuna ninyong mahalin ang Panginoon?