“Ang Pangangailangan para sa Isang Simbahan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Ang Pangangailangan para sa Isang Simbahan
Mga Sipi
Ngayon, ang mensahe ko ay para sa mabubuti at relihiyosong tao na tumigil sa pagdalo o pakikibahagi sa kanilang mga simbahan. Kapag sinasabi kong “mga simbahan,” isinasama ko ang mga sinagoga, mosque, o iba pang organisasyong pangrelihiyon. Nag-aalala kami na ang pagdalo sa lahat ng ito ay nabawasan nang malaki, sa buong bansa. …
Ang pagdalo at aktibidad sa simbahan ay tumutulong sa atin na maging mas mabubuting tao at mabubuting impluwensya sa buhay ng iba. …
… Sa simbahan nakikihalubilo tayo sa mabubuting tao na nagsisikap na maglingkod sa Diyos. Nagpapaalala ito sa atin na hindi tayo nag-iisa sa ating mga gawaing pangrelihiyon. Kailangan nating lahat na makisalamuha sa iba, at ang mga samahan sa simbahan ay ilan sa pinakamabubuting mararanasan natin. …
… Ang mga miyembrong hindi dumadalo sa Simbahan at umaasa lamang sa sariling espirituwalidad ay inihihiwalay ang kanilang sarili sa mahahalagang bahaging ito ng ebanghelyo: ang kapangyarihan at mga pagpapala ng priesthood, ang kabuuan ng ipinanumbalik na doktrina, at ang mga motibasyon at oportunidad na ipamuhay ang doktrinang iyon. …
Bukod pa sa nadaramang kapayapaan at kagalakan sa pamamagitan ng patnubay ng Espiritu, tinatamasa ng mga miyembrong dumadalo sa Simbahan ang mga bunga ng pamumuhay ayon sa ebanghelyo, tulad ng mga pagpapala sa pagsunod sa Word of Wisdom at ang temporal at espirituwal na pag-unlad na ipinangako sa pagsunod sa batas ng ikapu. …
… Ang kabuuan ng doktrina at nakapagliligtas at nakapagpapadakilang mga ordenansa nito ay matatamo lamang sa ipinanumbalik na Simbahan.