“Nasasandatahan ng Kapangyarihan ng Diyos sa Dakilang Kaluwalhatian,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Sabado ng Hapon
Nasasandatahan ng Kapangyarihan ng Diyos sa Dakilang Kaluwalhatian (1 Nephi 14:14)
Mga Sipi
Ang mga tipan, na pinasok sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood, ay makapagbibigkis sa atin sa Panginoong Jesucristo at siyang mahalagang bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa magkabilang panig ng tabing.
Ang gawaing misyonero at gawain sa templo at family history ay magkasama at nagtutulungang aspeto ng isang dakilang gawain na nakatuon sa mga sagradong tipan at ordenansa na tumutulong sa atin na matanggap ang kapangyarihan ng kabanalan sa ating mga buhay at, sa huli, makabalik sa piling ng Ama sa Langit. …
Pinapasan natin ang pamatok ng Tagapagligtas kapag ang mga sagradong tipan at ordenansa ay pinag-aaralan, karapat-dapat na tinatanggap, at tinutupad natin. Nabibigkis tayo sa Tagapagligtas kapag tapat nating inaalala at ginagawa ang lahat ng makakaya natin na mamuhay ayon sa mga obligasyong tinanggap natin. At ang ugnayang iyon sa Kanya ang mapagkukunan natin ng espirituwal na lakas sa bawat sandali ng ating buhay. …
Ang mga pangako at biyaya ng tipan ay posible lamang dahil sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Inaanyayahan Niya tayong umasa sa Kanya, lumapit sa Kanya, na matuto tungkol sa Kanya, at ibuklod ang ating sarili sa Kanya sa pamamagitan ng mga tipan at ordenansa ng Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Pinatototohanan at ipinapangako ko na ang pagtupad sa mga tipan ay sasandatahan tayo ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos sa dakilang kaluwalhatian. At pinatototohanan ko na ang buhay na Panginoong Jesucristo ang ating Tagapagligtas.