2021
Personal na Kapayapaan sa Mahihirap na Panahon
Nobyembre 2021


“Personal na Kapayapaan sa Mahihirap na Panahon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.

Sesyon sa Linggo ng Umaga

Personal na Kapayapaan sa Mahihirap na Panahon

Mga Sipi

paglubog ng araw sa isang look na may daungan

Ang kapayapaan sa mundo ay hindi ipinangako o siniguro hanggang sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. …

Gayunman, ang personal na kapayapaan ay maaaring makamtan sa kabila ng galit, pagtatalo, at pagkakawatak-watak na sumisira at nagpapasama sa ating mundo ngayon. Mas mahalaga ngayon ang paghahangad ng personal na kapayapaan. …

Bagama’t hindi tayo uurong kailanman sa mga pagsisikap na magkaroon ng kapayapaan sa mundo, tiniyak na sa atin na magkakaroon tayo ng personal na kapayapaan tulad ng itinuturo ni Cristo. Ang alituntuning ito ay nakasaad sa Doktrina at mga Tipan: “Subalit matutuhan na siya na gumagawa ng mga gawa ng kabutihan ay makatatanggap ng kanyang gantimpala, maging kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang-hanggan sa daigdig na darating” [Doktrina at mga Tipan 59:23].

Ano ang ilan sa “mga gawa ng kabutihan” na tutulong sa atin na lutasin ang mga pagtatalo at bawasan ang alitan at makahanap ng kapayapaan sa mundong ito? Lahat ng turo ni Cristo ay makakatulong sa hangaring ito. Babanggitin ko ang ilan na pinaniniwalaan kong napakahalaga.

Una: Mahalin ang Diyos, Sundin ang Kanyang mga Utos, at Patawarin ang Lahat …

Pangalawa: Hangarin ang mga Bunga ng Espiritu …

Pangatlo: Gamitin ang Kalayaang Pumili para Piliin ang Kabutihan …

Pang-apat: Itayo ang Sion sa Ating Puso at Tahanan …

Panglima: Sundin ang Kasalukuyang mga Payo ng Ating Propeta …

Nagpapatotoo at personal akong sumasaksi bilang Apostol na si Jesucristo, ang Tagapagligtas at Manunubos ng sanlibutan, ang namumuno at gumagabay sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan. Ang Kanyang buhay at nagbabayad-salang misyon ang tunay na pinagmumulan ng kapayapaan. Siya ang “Prinsipe ng Kapayapaan.”