2021
Ang Pagmamahal ng Diyos
Nobyembre 2021


“Ang Pagmamahal ng Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.

Sesyon sa Sabado ng Umaga

Ang Pagmamahal ng Diyos

Mga Sipi

sikat ng araw na lumulusot sa gitna ng mga puno pababa sa mga tangkay ng damo

Malalim at sakdal ang pagmamahal sa atin ng ating Ama sa Langit. …

Taglay rin ni Jesucristo ang gayunding sakdal na pagmamahal ng Ama. …

Ang banal na pagmamahal na ito ay nagbibigay sa atin ng labis na kapanatagan at pananalig habang nananalangin tayo sa Ama sa pangalan ni Cristo. …

… Madalas na sinasabi ng ilan, “Minamahal ng Tagapagligtas ang kung sinuman ako,” at tiyak na totoo iyon. Ngunit hindi Niya madadala ang sinuman sa atin sa Kanyang kaharian nang hindi tayo nagbabago, “sapagkat walang maruming bagay ang makatatahan doon, o makatatahan sa kanyang kinaroroonan” [Moises 6:57]. …

… Matapos linawin na hindi Niya mabibigyan ng katwiran o maipagsasawalang-kibo ang kasalanan, tinitiyak sa atin ng Panginoon:

“Gayunman, siya na nagsisisi at sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon ay patatawarin” [Doktrina at mga Tipan 1:32]. …

… Ang atin ay hindi isang relihiyon ng pangangatwiran ni relihiyon ng perpeksiyonismo kundi isang relihiyon ng pagtubos—pagtubos sa pamamagitan ni Jesucristo. …

Matagal ko nang hinahangaan, at nadarama rin, ang magiliw na pagmamahal ng mga propeta ng Diyos sa kanilang mga babala laban sa kasalanan. Hindi sila inuudyukan ng hangarin na magparusa. Ang kanilang totoong hangarin ay sumasalamin sa pagmamahal ng Diyos; sa katunayan, iyon ang pagmamahal ng Diyos. …

Sa pagkilala na minamahal tayo ng Diyos nang sakdal, maaaring itanong ng bawat isa sa atin, “Gaano ko ba kamahal ang Diyos? Mapagkakatiwalaan ba Niya ang pagmamahal ko tulad ng pagtitiwala ko sa Kanya?” …

Pinatototohanan ko ang katotohanan ng ating Ama sa Langit at ng ating Manunubos na si Jesucristo, at ang Kanilang walang humpay at walang katapusang pagmamahal.