“Ang mga Bagay ng Aking Kaluluwa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Sabado ng Hapon
Ang mga Bagay ng Aking Kaluluwa
Mga Sipi
Madalas itanong sa akin ng mga kabataan kung ano ang pinaniniwalaan ko at bakit. …
Maaari bang ibahagi ko sa inyo ang ilan sa mga bagay ng aking kaluluwa? Ang mga bagay na ito ay angkop sa lahat ng nagnanais na maging tunay na disipulo ni Jesucristo. …
Una, mahalin ang Diyos Ama at si Jesucristo, ang ating Tagapagligtas. …
Pangalawa, “Ibigin mo ang iyong kapwa” [Mateo 22:39].
Pangatlo, mahalin ang iyong sarili.
Dito nahihirapan ang marami. Hindi ba nakapagtataka na tila mas madali sa ating gawin na mahalin ang ating kapwa kaysa sa ating sarili? Gayunman sinabi ng Panginoon, “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili” [Mateo 22:39]. Mahalaga sa Kanya ang kabanalang nasa atin, at dapat ay ganoon din tayo. Kapag tigib na tayo ng kamalian, dusa, kakulangan, lungkot, galit, o kasalanan, ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ang isa sa mga bagay na nagpapasigla ng kaluluwa, ayon sa plano ng Diyos.
Pang-apat, sundin ang mga kautusan. …
Panglima, laging maging karapat-dapat na pumasok sa templo. …
Pang-anim, maging masayahin at puno ng galak. …
Pampito, sundin ang buhay na propeta ng Diyos.
Maaaring pampito ito sa listahan ko ng mga bagay, pero ito ang pinakamahalaga sa nais kong iparating ngayon.
Mayroon tayong propeta ng Diyos sa mundo ngayon! Huwag ipagwalang-bahala ang kahulugan nito sa inyo. …
… Inaanyayahan ko kayo na tukuyin ang inyong pangwalo, pangsiyam, at pangsampu. Isipin ang mga paraan na maibabahagi ninyo sa iba ang inyong mga pinaka-ninanais na “mga bagay” at hikayatin silang manalangin, magnilay-nilay, at hingin ang patnubay ng Panginoon.