2021
Napakaganda—Napakasimple
Nobyembre 2021


“Napakaganda—Napakasimple,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.

Sesyon sa Sabado ng Hapon

Napakaganda—Napakasimple

Mga Sipi

si Jesucristo sa Getsemani

Upang matanggap ang buhay na walang hanggan, kailangan tayong “lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya” [Moroni 10:32]. Habang lumalapit tayo kay Cristo at tinutulungan ang iba na gayon din ang gawin, nakikibahagi tayo sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, na nakatuon sa mga responsibilidad na ibinigay ng Diyos. Ang mga responsibilidad na ito na ibinigay ng Diyos ay nakaayon sa mga susi ng priesthood na ipinanumbalik nina Moises, Elias, at Elijah, na nakatala sa ika-110 bahagi ng Doktrina at mga Tipan, at ang pangalawang dakilang utos na ibinigay sa atin ni Jesucristo na mahalin ang ating kapwa na gaya ng ating sarili. Matatagpuan ang mga ito sa unang dalawang pahina ng in-update na Pangkalahatang Hanbuk, na maaaring basahin ng lahat ng miyembro. …

  1. Pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo

  2. Pangangalaga sa mga nangangailangan

  3. Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo

  4. Pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan

Maaari ninyong ituring ang mga ito na tulad ng ginagawa ko: bilang isang mapa na tutulong sa atin na makabalik sa ating mapagmahal na Ama sa Langit. …

Dati nang nabanggit na ang ebanghelyo ni Jesucristo ay “napakaganda at napakasimple.” Ngunit ang mundo ay hindi ganoon. Ito ay kumplikado, masalimuot, at puno ng kaguluhan at alitan. Pagpapalain tayo kapag hindi natin hinayaan na ang kaguluhan, na laganap sa mundo, ay makaimpluwensya sa paraan ng pagtanggap at pagsasabuhay natin ng ebanghelyo. …

… Dapat nating sikapin na panatilihing simple ang ebanghelyo—sa ating buhay, sa ating mga pamilya, sa ating mga klase at korum, at sa ating mga ward at stake.