“Muling Magtiwala,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Nob. 2021.
Sesyon sa Linggo ng Hapon
Muling Magtiwala
Mga Sipi
Nadama na ba ninyo minsan na parang gusto ninyong magpakalayu-layo? Kadalasan, lumalayo tayo dahil may nasirang tiwala—tiwala sa ating sarili, sa isa’t isa, sa Diyos. Kapag nasira ang tiwala, iniisip natin kung paano muling magtitiwala.
Ang mensahe ko ngayon ay ito, tayo man ay pauwi o pabalik sa ating tahanan, handa tayong tanggapin ng Diyos. Masusumpungan natin sa Kanya ang pananampalataya at tapang, karunungan at pag-unawa, na muling magtiwala. Gayundin, iniuutos Niya sa atin na patuloy na mahalin ang isa’t isa, maging mas mapagpatawad at hindi mapanghusga sa sarili at sa iba, upang ang Kanyang Simbahan ay maging lugar na mapapanatag tayo, pupunta man tayo sa unang pagkakataon o magbabalik.
Ang tiwala ay pagpapakita ng pananampalataya. …
Alam natin na ang kagalakan sa landas ng tipan ng Panginoon, at ang tawag na maglingkod sa Kanyang Simbahan ay imbitasyon na damhin natin ang tiwala at pagmamahal ng Diyos para sa atin at para sa isa’t isa. …
Nagkakaroon ng tiwala kapag ginagawa natin ang mahihirap na bagay nang may pananampalataya. Ang paglilingkod at sakripisyo ay nagdaragdag ng kakayahan at nagpapadalisay ng puso. …
Bagama’t iba-iba ang ating sariling mga kalagayan, ang mga alituntunin ng ebanghelyo at ang Espiritu Santo ay makatutulong sa atin na malaman kung dapat, paano, at kailan magtitiwalang muli sa iba. …
Magtiwala sa Diyos at sa Kanyang mga himala. Tayo at ang ating mga pakikipag-ugnayan ay maaaring magbago. …
Tayo ay may kani-kanyang paglalakbay sa buhay, ngunit makababalik tayong muli sa Diyos na ating Ama at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos, sa isa’t isa, at sa ating sarili.